28.1 C
Manila
Monday, October 21, 2024

SIGNS NA DI SIYA SI SOULMATE

        Karamihan sa atin ay nangangarap na magkaroon ng makakatuwang sa buhay. Masuwerte na kung ang makakasama mo sa buhay ay ang soulmate mo. At higit kang mapalad kung matatagpuan mo ang twinflames mo.

Ano ang Soulmate at Twinflames

Ayon sa great American psychic and prophet na si Edgar Cayce, ang soulmate ay kabiyak ng iyong kaluluwa na tutulong sa iyo sa pagtahak mo sa lifetime na ito.

Malaki ang pinagkaiba ng kaluluwa o soul sa espiritu o spirit. Ang espiritu ang siyang essence ng buhay. Sa kabilang banda, ang kaluluwa ay ang mga ideolohiya, kaisipan, paniniwala, personalidad, at karakter na taglay ng isang tao habang siya ay nabubuhay sa mundong ito. Samakatuwid, sa sandaling mamatay ang katawang-lupa, kasama nitong mamamatay ang kaluluwa. Ngunit, ang ating espiritu ay mananatiling umiiral sapagkat ito ay buhay na mula sa Eternal One. Ang twin flames, o kambal espiritu, ay literal na nangangahulugang “kabiyak ng ating espiritu”. Ito ay liwanag mula sa “Omnipotent One” o kilala o tinatawag natin sa mundo bilang “Deus” o Diyos. Ang bawat butil ng liwanag ay katumbas ng isang espiritu o “buhay”. Ang isang butil ng liwanag ay maaaring mahati sa dalawa. Kaya literal na ang “kabiyak ng ating espiritu” ay nahiwalay sa atin.

Ang soulmates ay kadalasang naa-associate sa romance o love. Ngunit, sa bawat pag-iral natin sa mundong ito bilang tao, maaari tayong makasumpong o makatagpo ng maraming “soulmate” na siyang makatutulong sa paglago ng ating espiritualidad. Sila ay maaaring kadugo natin o kaibigan. Ang pagiging isa ninyo sa ideolohiya, paniniwala, at iba pa ay malinaw na indikasyon na soulmate mo ang isang tao. Sa kabilang banda, kasing hirap ng paghahanap ng karayom sa bunton ng dayami ang pagkakataong mahanap mo ang iyong “twin flames”. Sa sandaling matagpuan mo na ang iyong “twin flames”, ang iyong espiritualidad ay mabubuo at makakasumpong ka ng kaliwanagan o enlightenment sa piling ng taong iyon. Ang iyong “twin flame” ay darating sa iyo sa tamang panahon, sa tamang lugar, at sa tamang life time o pag-iral mo sa mundong ibabaw.

Makikilala mo ang iyong soulmate, o spiritual partner, sa panahon at sandaling hindi mo inaasahan. Ang soulmates ay literal na kahati o karugtong ng iyong kaluluwa. Tutulungan ka niyang ipaalala ang purpose mo sa buhay at mga leksiyon na natutuhan mo sa bawat pag-iral mo sa mundong ito.

Maraming uri ng soulmates ang maaaring dumating sa iyong buhay. Ang klase ng soulmate na ito ay darating upang kumpletuhin ang dakilang disenyo o grand design ng  iyong karmic debt. May apat na uri ng soulmate.

Paano Mo Mari-recognize ang Iyong Soulmate

Hindi madaling mahanap ang iyong soulmate o twin flames. Siya ay kusang darating sa iyo sa tamang panahon at pagkakataon.

May pagkakataon pa na maaaring hindi mo ma-encounter ang iyong soulmate o twinflames sa lifetime mo na ito. Ngunit, ito ay tiyak na may dahilan—maaaring hindi pa siya nagri-reincarnate, o maaaring hindi pa talaga napapanahon.

Sa sandaling dumating na ang iyong soulmate o twin flames, kaagad itong makikilala o mari-recognize ng iyong kaluluwa o soul level. Makararamdam ka ng irresistible force, at walang sinuman sa mundong ito ang maaari pang makapagpahiwalay sa inyo. Siya ay ihahatid sa iyo ng universe sa panahon at pagkakataong ikaw ay down at nawawala na ng purpose sa buhay. Sa soulmate encounter, lahat ng guilt feelings mo ay mawawala. Makararanas ka rin ng soul expansion at lahat ay magiging maayos para sa inyong dalawa.

        May mga ilang signs o palatandaan upang malaman kung parating na ba ang iyong soulmate. Ano-ano ang mga ito?

Mga Signs na Hindi Ang Soulmate mo ang kasama mo sa Buhay

        Sa lifetime natin, hindi lamang iisang beses tayo maaaring umibig at magmahal. Sa aminin man o sa hindi, sa tuwing tayo ay nagmamahal, ang pakiramdam natin ay soulmate na natin ang taong kasama natin o siya na talaga ang itinadhana sa iyo.

        Nakalulungkot man, ngunit ang realidad, hindi lahat nang nagkakatuluyan ay mag-soulmates talaga.

        Isa-isahin ko ang ilang palatandaan na hindi si soulmate ang kasama mo ngayon sa iyong buhay.

1.   Nagdudulot lamang siya ng higit na kalungkutan kaysa kaligayahan. Ang tunay na soulmate ay may hatid na kaligayahan at kasiyahang hindi matutumbasan. Bibigyan ka niya ng inspirasyon at ipapakita niya sa iyo ang masayang side ng mundong ito.

2.   Kinokontrol ka niya. Kung ang iyong kapareha ay possessive, hindi ito magandang sign. Nangangahulugan lamang na siya ay selfish at nais na maging priority mo sa lahat ng oras. Hindi niya pinahahalagahan ang oras at energy mo. Ang tunay na soulmate ay may sense of space. Hindi ka niya sasakalin, bagkus, hahayan ka niyang i-explore ang buhay.

3.   Hindi siya open sa iyo.  Ang tunay na soulmate ay tapat sa iyo sa lahat ng pagkakataon.

4.   Hindi ka niya pinahahalagahan. Ang tunay na soulmate ay darating upang iparamdam sa iyo na ikaw ay mahalaga at natatangi. Bubuksan niya ang papanaw mo na ikaw ay worthy.

5.   Walang nagiging bunga ang inyong  pagsasama. Ilalabas ng tunay mong soulmate ang lahat ng natatago mong potensiyal.

Kung kayo ay may katanungan tungkol sa ating topic, mag-comment lamang sa ibaba. Ito ay aking tutugunan sa abot ng aking makakaya.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.