32.8 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Dalawang klase ng nunal

Sa ipinadalang katanungan ng isang mambabasa ng PhilippineOne na si Charito Mercado, ibig niyang malaman kung ano ba ang kahulugan ng bawat nunal o “taling” sa katawan.

        Ang pag-aaral sa mga nunal at kaugnayan nito sa kapalaran ay tinatawag na Moleoscopy.  Pinaniniwalaang ang mga nunal sa katawan ay mga secret imprints mula sa ating nakaraang buhay na nagsisilbing selyo o tag ng ating past karmic deed na dapat pagbayaran sa kasalukuyan nating buhay.  Sa astrology, ipinagpapalagay na ang mga nunal ay maaaring may mabuti at masamang kahulugan. Ang bawat nunal sa ating katawan ay may itinatagong mensahe na kung magagawang basahin ay maaaring maging gabay natin sa buhay.

        Ang mga Chinese ay naniniwalang ang isang nunal ay maaaring suwerte o malas depende sa kulay nito.

Ang nunal na maliit ngunit maitim ay nagsasabing malalaking opportunities upang makapag-travel.

 Kung ang nunal naman ay dark red, sinasabing ang taong mayroon nito ay may angking abilidad o talented.

 Ayon kay Miss Charito Mercado, siya ay may nunal sa kanyang likuran at tinatanong niya kung ano ang maaaring kahulugan nito. Ayon sa Moleoscopy, ang nunal sa likuran ay nangangahulugan ng mga pasanin sa buhay o mga problema na maaring dalhin ng taong mayroon ito, kabaliktaran kung ang nunal ay nasa harapan o nasa dibdib na nangangahulugan ng tagumpay sa buhay.  

Mga Masusuwerteng Nunal

  Gaya nang nasabi, ang ibang nunal ay nangangahulugan ng suwerte depende sa lokasyon nito sa iyong katawan.

Ang nunal na nasa ilalim ng eyebrow o kilay ay nagsasaad ng pagiging creative at matalino ng taong mayroon nito. Nangangahulugan lamang na masuwerte ang mga taong mayroon nito sapagkat taglay nila ang talino na maghahatid sa kanila sa tagumpay.

Ang nunal sa gitna ng upper lip ay nagsasabi na ang taong mayroon nito ay magkakaroon ng masaganang pamilya.

Ang nunal na nasa gilid ng bibig, sa kaliwa o sa kanan man, ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng balanse at matagumpay na buhay. Ang mga taong may ganitong nunal ay sinasabing yumayaman, naging tanyag, at nakapamumuhay ng masagana at marangya. Ang mga babaeng mayroon nito ay may malakas na sex appeal sa opposite sex.

Ang mga taong may nunal sa gitna ng noo ay mga hardworker. Sila ay nagiging successful entrepreneurs.

Ang nunal sa gilid ng kilay, kaliwa o kanan man, ay nagsasabing ang taong ito ay powerful, may malakas na paninindigan, at may matapang na personalidad, na katangian ng isang mahusay na lider at pinuno.

 Mga Malas Na Nunal

      Kung may masuwerteng nunal, mayroon din namang mga malas.

      Ang taong may nunal sa gitna ng ilong ay sinasabing mga gastador, mahilig sa sugal at iba pang bisyo. Ang mga taong ito ay mayaman at may-kaya, ngunit hindi kontento sa buhay.

      Ang mga nunal sa gitna mismo ng kilay na tinutubuan pa ng kilay ay may stressful life at madaling sumuko sa hamon ng buhay.

     Ang taong may nunal sa kamay ay pinaniniwalaang malikot ang kamay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.