Ituloy na natin ang pag-aaral ng punsoy at sa pagkakataong ito malalaman nyo ngayon ang mga masusuwerteng numero.
Ang anumang numero na may number na eight 8, kagaya ng numero ng bahay at plate number ng sasakyan ay pinaniniwalaang mapalad, tulad ng 8, 88, 8888, 168, 288, 388 at iba pa. Naging ganon ang paniniwala ng mga Chinese na lucky ang number 8, sa dahilang sa China, sa particular sa Cantonese Chinese, ang salitang “baat” na ngangahulugang “eight”, ay kasing katunog din ng salitang “fatt” which means “prosperity”. Lawaran 1.
Hindi lang sa Cantonese speaking Chinese kumakalat at pinaniniwalaan ang ganoong superstition, bagkus sa mga Chinese na nagsasalita naman ng Mandarin, ang salitang “ba” na ngangahulugang “eight” ay kasing katunog din ng salitang “fa” which means to “prosper”.
Dagdag dito, mapapansing sa lahat ng single digit number, numero mula 1 hanggang 9 kapag sinusulat mo ay nagtatapos sa pababa o kaya ay patagilid.
Halimbawa, ang One (1) pababa yan matatapos pag sinulat mo. Ang Two (2) sa patagilid naman patungong kanan matatapos. Ang Three (3) ay patagilid din matatapos patungong kaliwa.
Ang numerong Four (4) ay pababa naman matatapos kapag sinulat mo. Ang Five (5) ay maaring patagilid din patungong kaliwa, depende sa “stroke” ng pagsulat mo, puwede rin kasing matapos ang Five (5) pagsinulat mo paitaas.
Habang ang Six (6) ay pababa din matatapos kapag sinulat mo. Ang Seven (7) ay ganon din, pababa o kaya’y patagilid matatapos kapag sinulat mo. Ang Nine (9) ay ganon din sa patagilid na stroke patungong kaliwa matatapos.
Pero ang Eight (8) subukan mong isulat sa hangin, makikita mo, ito ay magtatapos kung saan ka nagsimula at maaari ding magtapos na pabilog. Ang bilog ay alam naman nating lahat na sumisimbolo ng salapi o pera, at hindi lang yon, kapag sinulat mo ang numerong Eight (8), hindi lang sa isang bilog natatapos, kundi sa dalawang bilog, kaya naman nangangahulugan ito na maraming-maraming pera.
Sa Aklat ng Numerology ganito naman ang meaning ng numerong 8 “Yayaman, Magkakaroon ng magarang bahay. Magkakaroon ng mga lupain at sakahan. Magkakaroon ng building na fourth floor.Nagiging mayaman at napakayaman ng taong otso (8)….nangako siya sa kanyang sarili na kailaman ay hindi na niya bibitiwan pa, bagkus ay papalaguin niya ito ng papalaguin, ang kanyang kayamanan.”
Kaya masasabing bukod sa numerong otso o eight (8) masuwerte rin ang numerong Five o Singko (5) dahil isinusulat ito na nagtatapos ang end stroke pataas.
Kaya puwede ding sabihing ang lahat ng taong mahilig gumamit ng numerong Otso (8) at Singko (5) ay siguradong yayaman.
Sa Aklat ng Numerolog ganito naman ang meaning ng numerong singko o five (5): “Ang mga taong Five (5) ay yumayaman sa pag-aasawa, higit lalo kung ang mapapangasawa niya ay isinilang din o may birth date o may destiny number ding 5, 14, at 23.”
TANONG: “Kung hindi ka isinilang sa petsang 8, 17 at 26, o kaya’y hindi ka isinilang sa petsang 5, 14, at 23, o hindi otso (8) at hindi rin singko (5) ang destiny number mo, yayaman ka parin ba?”
SAGOT: “Oo naman, yayaman ka rin basta’t tulad ng naipaliwanag na sa itaas, lagi kang gumamit ng numerong may otso (8) o numerong otso (8) at lagi kang gumamit ng numerong singko (5) o numerong may singko (5), upang ang biyayang pang-materyal na dulot ng nasabing mga numero ay masagap ng unconscious self mo, hanggang sa ang suwerteng pang materyal na dulot ng nabanggit na mga numero ay kusang pumaloob sa iyong pagkatao.
Ang Mapalad na Prutas ayon sa mga Chinese
Bukod sa tunog na “baat” at “fatt”, at ng “fa” at “ba” na nangangahulugang prosperity, pinaninilawaan din ng mga Chinese na ang “pineapple” o ang prutas o ang halamang “pina” ay suwerte din (Lawaran 1). Nangyari, dahil sa Chinese Hokkien language, ang tunog ng salitang “pineapple” ay “ong-lai” kung saan, ang salitang “ong” ay nangangahulugang “luck or fortune” habang ang “lai” ay nangangahulugan namang “coming”.
Kaya kapag lagi kang nagdi-display o kumakain ng pinapple, habang binibigkas mo ang tunog na “ong-lai”, naniniwala ang mga Chinese na kusang darating sayo ang magaganda at suwerteng kapalaran.
Marami pang mga superstitions o pamanhiin ang mga Chinese na makatutulong sa inyo upang magtagumpay at umunlad ang inyong pamumuhay na saka na lang natin tatalakayin, sa ikatlong libro na kasalukuyan pa nating ginagawa.