31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

ANG IYONG KAPALARAN AYON SA BIRTH DATE MO

Ang numerology ay makapagbibigay ng ilang insight patungkol sa kapalarang naghihintay sa kinabukasan.

Lahat tayo ay sumasabay sa numerological cycle sa bawat taon ng ating kaarawan.

Ang iyong personal year number ay magsasaad ng patterns, opportunities, events, at circumstances na mararanasan mo sa loob ng taong iyon.

Alamin ang Iyong Personal Year

        Upang makuha mo ang tinatawag na “personal year”, i-add lamang ang birth month, ang petsa ng iyong kapanganakan, at ang kasalukuyang taon. Pagkatapos ay i-reduce mo ang total sa single digit.

        Halimbawa, ikaw ay ipinanganak noong July 26, 1984. Hindi mo isasama sa formula ang taong “1984”, sa halip, papalitan mo ito ng kasalukuyang taon—“2018”.

        I-add ang 7 (July) +  2 + 6 + 2 + 0 + 1 + 8. Ang total ay 26. Iri-reduce mo ang number 26 sa single digit, kaya i-add mo ito ( 2 + 6). Ang total ay 8.

        Samakatuwid ang iyong personal year number ay “8”. Ikaw ay nasa “8” year; at sa susunod mong kaarawan sa isang taon—2019—ikaw ay magmo-move sa “9” year, and so on.

Ang Iyong Magiging Kapalaran sa Taon ng Iyong Cycle

Personal Year Number 1:   Ang taong ito ay yugto ng panibagong simulain. Favorable ang taong ito sa paghahanap ng bagong trabaho, mga bagong oportunidad, at bagong relasyon.  Anumang bunga ng aksiyong gagawin sa taong ito ay makaiimpluwensiya sa susunod na walong taon.  Magiginga abala at hectic ang taong ito. Magkaroon ng higit na tiwala sa sarili upang makamit ang anumang hangarin.

Personal Year Number 2:        Ito ang yugto ng partnership, union, and balance. Ang taong ito ay patungkol sa pag-evaluate mo ng iyong relationships. Kung hindi na masaya sa kinapapaloobang relasyon, may chance na ito ay magtapos sa taong ito. Kung kontento at masaya naman sa relasyon, ito na ang pagkakataon upang i-level up ito. Favorable ang taon kung nagpa-planong bumili ng properties o pumasok sa buhay may-asawa. Mainam rin ang taong ito upang magsimula ng bagong partnership sa negosyo. Sa loob ng taong ito, ikaw ay mapupuno ng kapayapaan, pagmamahal, at at katiwasayan ng kalooban.

Personal Year Number 3:        Ang taong ito ay puno ng energy na magagamit para sa pakikipag-ugnayan, paglikha ng mga bagong bagay, at pagpapaunlad o pagi-improve sa sarili. It’s your year to shine, ika nga.  Pagtuunan ng pansin ang anumang creative project na pinaplano,  tulad halimbawa nang pagpapatayo ng sariling bahay. Ito ang taon nang pag-abot sa iyong mga pangarap. Ipakita sa mga tao kung gaano ka kahusay. Gayumpaman, ang taong ito ay puno ng ups and downs. Kung nais mong maging masaya at balanse ang buong taon, tiyaking malilinang at matutugunan mo ang iyong mga pangangailangan at pansariling kaligayahan. Iwasan ang mga taong walang mabuting maidudulot sa iyo kundi emotional damage.

Personal Year Number 4: Ang taong ito ay taon ng self-discipline at balance. Gawing stable ang buhay. Upang maging matagumpay sa taong ito, kailangan nang sipag at tiyaga. Magseryoso sa iyong mga goals sa buhay. Puno ng pagsubok ang taong ito. Survival of the fittest, ika nga.

Personal Year Number 5:  Ikaw ay dadaan sa yugto ng pagbabago o transformation. Malaki ang chance na makapag-travel. Magiging emosyonal at dramatic ang taon. Maraming mangyayari na hindi mo inaasahan, kaya pinapayuhang maging handa at matatag.  Puno rin ng intriga ang taong ito kaya pinapayuhang umiwas sa anumang bagay na makasisira sa iyong reputasyon at pagkatao.

Personal Year Number 6:  Ito ang taon kung saan dapat mong pahalagahan ang iyong sarili. May magaganap na pagbabago sa  career o usual routine. Magiging main focus sa taong ito ang family, love at romantic relationships. Mabuti ang taong ito upang ayusin ang anumang gusot o mga hindi pagkakasunduan. Kapag in-add ang iyong birth date, ikaw ay may personal year number 6. Ang number 6 ay magnetic number. Ia-attract mo ang anumang bagay na iyong nais o hinahangad. Ipinapayong maging positibo sa lahat ng pagkakataon upang positive outcome lamang ang ma-attract sa buhay.

Personal Year Number 7: Ito ang taon ng pagpapayabong ng iyong espiritualidad at pagkatao. Makararamdam nang kagustuhang mapag-isa at makapagmuni. Ito ang taon ng pari-recharge. Makararanas ng ilang kaganapang hindi maipaliwanag. Ito rin ang taon ng pagpaplano para sa kinabukasan.

Personal Year Number 8:  Kahaharapin sa taong ito ang isyu tungkol sa pananalapi at kalusugan. Ito ang panahon kung saan kailangan mong magpa-general checkup at i-reassess ang iyong diet at health routines. Ang taong ito ay para sa promotion, new job, at investment opportunities. Hindi ito ang taon upang sumugal sa casino at iba pang gambling activities.

Personal Year Number 9:  Ang taong ito ay siyang pag-ani ng mga bagay na ginawa mo sa loob ng nakaraang siyam na taon ng iyong buhay. What you sow is what you reap, ika nga. Ito ang panahon nang pag-let go at pag-moveon sa anumang mapapait na karansan. Kapag in-add ang iyong birth date, ikaw ay may personal year number 9. Ang number 9 ay simbolo pagtatapos at pagpapasimula ng bagong cycle; kaya asahan na ang taong ito ay ang pagtatapos ng anumang kamalasan (o suwerte) sa buhay, depende sa iyong ginawa sa loob ng nakaraang walong taon.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.