27.9 C
Manila
Wednesday, February 28, 2024

Ang kahulugan ng palaka

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Cathy tungkol sa palaka.

Nasa bukid daw ako naglalakad sa pilapil na maraming mga nakatanim na berdeng mga palay sa gilid, tapos may lumabas na isang palaka. Nilapitan ko ito, hindi umaalis maya-maya may lumabas na namang isa, at dumami na sila nang dumami. Ako naman ay nanonood lang sa kanila at ang mga palaka ay nakatingin sa akin na parang masaya o natutuwa. Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Kapag nanaginip ka ng bukid, ito ay may positibong kahulugan, lalo na ang kulay ng palay na nakatanim sa bukid ay berde o luntian. Ibig sabihin, ito ang panahon sa iyong buhay na patungo sa paglago at payabong ang lahat ng aspeto ng iyong karanasan, lalo na sa pag-ibig, career at aspetong pang-materyal, na ngangahulugan na susuwertehin ka sa mga panahong ito at habang lumilipas ang araw at mga buwan o taon, lalo ka pang magtatamo ng magagandang kapalaran.

Samantala, sa Makaluma o Pang-tradisyunal na interpretasyon ang palaka sa panaginip tulad ng kulay berdeng bukid, ay nagpapahiwatig ng magandang kapalaran.

Kung ikaw ay negosyante, ang palaka sa panaginip ay nagsasabing sa susunod na mga araw, malaking halaga ng salapi ang kikitain mo dahil sa isang napakagandang pakikipagtransaksyon. Kumbaga, tatabo at titiba ka ng limpak-limpak na salapi sa susunod na mga araw.

Sa mga magsasaka, kung ikaw ay nanaginip ng palaka, ito ay naghahayag ng masaganang ani. Kung ikaw naman ay may poultry at piggery kapag nanganak ang mga alaga mo tiyak na marami at malulusog kaya ang iyong kawan ng mga hayop ay lubhang pagpapalain at lalo pang lalago nang lalago sa susunod na mga taon.

Sa mga pulitiko, ang panaginip na palaka ay nagpapahiwatig ng mga tapat na tagasuporta at kaibigan, na sa susunod na eleksyon, patuloy kang magwawagi at magkakaroon ng maraming pagkilala at parangal sa lugar na iyong pinamumunuan.

Sa mga estudyante, ang palaka ay nangangahulugang matatas na mga marka at katuparan ng iba pang hinihiling na may kaugnayan sa pag-ibig at edukasyon.

Sa mga pangkaraniwang empleyado at empleyada, ang palaka sa panaginip ay nagpapahiwatig ng dagdag na umento at promosyon sa susunod na mga araw at buwan.

At sa mga mangingibig, sa mga mag-boyfriend o mag-girlfriend ang palaka sa panaginip ay nagpapahiwatig ng isang matamis, masarap at napakasayang relasyon.

Samantala sa Modernong Interpretasyon, o sa pang-psychology ang palaka sa panaginip ay nagpapahiwatig ng: “Fertility and creativity.” Ito ay nagbabadya rin ng “transformation”, kung saan, kaya ka nanaginip ng palaka, dahil ready na o handa na ang iyong buong pagkatao sa panibagong stages ng buhay, na mas magiging produktibo at mas magiging masaya. Kumbaga, kaya ka nanaginip ng palaka, ipinapakita ng unconscious self mo ang susunod na malaking pangyayari o susunod na malaking pagbabago sa buhay mo na magdudulot ng panibagong tagumpay at ligaya.

Kaya nga, Cathy, kung iuugnay ang iyong panaginip ayon sa mga inilahad ng kahulugan sa itaas, lumilinaw na kung gayon na ang panaginip mong, “Nasa bukid daw ako naglalakad sa pilapil na maraming mga nakatanim na berdeng mga palay sa gilid,” ay nagbabadya ng maunlad at masagang pangyayari o karanasang magaganap sa hinaharap. Habang “ang paisa-isang palaka na dumami ng dumami sa iyong panaginip” ay nahahayag naman ng pagdating ng “paisa-isa munang suwerte at kaligayahan, hanggang sa ito ay dumami na ng dumami.”Ibig sabihin anuman ang inaaturga o kina-career at pinagkakaabalahan mo sa kasalukuyan, tiyak na ang lahat ng ginagawa mong ito ay magbubunga ng pag-unlad, ng tagumpay at kasagaaan na magdudulot sa iyo ng sobrang saya at ligaya.

Samantala kung ikaw naman ay isa pang dalaga at para bang gusto mo ng mag-asawa tapos nanaginip ka ng mga palaka, ganito ang kahulugan ng iyong panaginip:

“He or she who dreams of frogs,

Most certainly shall find,

Maiden sweet, or swain most, dear,

Each suited to the mind:

A wedding gay is coming soon,

Then, O then, for the honey-moon.”

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.