30 C
Manila
Saturday, September 7, 2024

PAANO GAGAWING LUCKY CHARM ANG INYONG WALLET

Gusto mo bang maging masuwerte ang iyong wallet/pitaka?

Narito ang ilang simpleng feng shui tips na maaaari ninyong gawin upang ang wallet ninyo ay maging masuwerte at balon ng pera.

1.   Pumili ng wallet kung saan mailalagay ninyo ng maayos at hindi malulukot ang inyong mga bills. Sa feng shui, malas ang paglulupi ng pera dahil simbolo ito ng kawalang respeto sa kasaganaan. Tiyakin din na naka-arrange ang mga bills ninyo sa wallet mula sa mababang denomination pataas mula left to right. Maglaan rin ng hiwalay na coin purse para sa inyong mga barya. Huwag isuksok ang mga coins sa wallet na pinaglalagyan ninyo ng mga bills. Ang maayos na pag-aayos ng bills sa inyong wallet ay magbibigay ng maraming space sa Chi energy upang ito ay makapag-circulate ng maayos sa inyong wallet.

2.   Tigilan na ang kaugaliang paglalagay ng family photo sa loob ng inyong wallet dahil ito ay nakadi-distract sa money energy na siyang dahilan upang hindi pasukin ng pera ang inyong wallet. Tandaan na ang wallet ay para sa pera. Ituring ang wallet na templo ng pananalapi. Samakatuwid, ang wallet ay ilaan lamang para sa pera. Ang family photo ay nakalaan lamang dapat sa magandang kuwadro o frame na naka-display sa salas o living room.

3.   Huwag hahayaang mabakante o mawalan ng kahit isang piraso ng bill ang inyong wallet. Ang walang lamang pera malas sa feng shui.

4.   Ugaliing gumamit ng maayos at presentableng wallet. Kung ang wallet ninyo ay gapok na o nababakbak na ang balat o may punit, panahon na upang i-retiro ito at bumili ng bagong wallet. Tandaan na ang wallet ay templo ng pananalapi. Ang malinis, maganda, presentable, at kaaya-ayang wallet ay simbolo ng pagrespeto mo sa iyong pananalapi. Pero, kung palagay mo ay suwerte sa iyo ang isang wallet kaya hindi mo maiwan, i-retiro mo pa rin ito pero mag-iwan ka ng pera sa loob nito at saka mo itago sa isang maayos na lugar.

5.   Huwag gawing taguan ng kung ano-anong resibo (lalo na  kung tungkol sa mga bayarin) ang inyong wallet. Muli ay inuulit ko, ang wallet ay para lamang sa pera. Irespeto ang personal space ng inyong pananalapi upang daluyan ito ng Chi energy.

6.   Huwag maglalagay ng coins sa wallet. Isa sa paliwanag kung bakit ay dahil ang coins ay gawa sa iron. Bawal maglagay ng anumang materyales na gawa sa iron sa inyong wallet. Ang iron ay simbolo ng Saturn. Ang planet na ito ay sagisag nang pagbagal o hindrance. Samakatuwid, ang paglalagay ng iron sa wallet ay tanda na pinababagal mo ang pagdaloy ng pera sa inyong wallet. Sa halip, maglagay ng silver, gold, o copper coin o plates sa wallet (isang piraso lamang). Ang mga metals na ito ay nagtataglay ng frequency na nakaa-attrct ng positive energy.

7.   Huwag ipapatong ang wallet sa sahig at ipapasok sa toilet. Irespeto ang inyong wallet bilang tanda ng pagrespeto ninyo sa inyong kabuhayan. Itago ang wallet sa  magandang puwesto. Isa pang tip: magbudbod ng bigas sa taguan ninyo ng wallet. Doon ninyo ipatong ang wallet ninyo para maging masuwerte ito.

8.   Pumili ng kulay ng wallet na angkop para sa iyong pangangailangan. Ang kulay ng wallet ay may katumbas ng element na masuwerte.

Ø Ang kulay black na wallet ay simbolo ng water element. Ang black ay simbolo ng kasaganahan at prosperidad. Kung nais mong ma-promote at umunlad sa inyong karera, piliin ang kulay black na wallet.

Ø Ang kulay brown na wallet ay simbolo ng Earth element. Kung nais mong laging nadadagdagan ang iyong ipon, angkop ang wallet na ito para sa iyo.

Ø Ang kulay green na wallet simbolo ng Wood Element. Napakasuwerte nito sa feng shui sapagkat ito ay katumbas ng masagana at mahabang buhay. Sa bahay, ang paglalagay ng green element tulad ng pintura at mga buhay na halaman ay sapat na upang dumaloy ang positive energy sa loob ng inyong tahanan. Imaginin na lamang kung i-apply mo ito sa iyong wallet. Asahan na darating ang maraming opportunity na pagkakakitaan. Advisable ang green wallet lalo na sa mga negosyante. Isa pang tip: Iwasan ang light green na wallet dahil maglalabas-pasok  lamang ang pera.

Ø Ang kulay yellow (mustard yellow or pastel yellow) ay simbolo ng metal element. Maganda rin ang kulay na ito upang hindi mawalan ng pera ang inyong pera at gumanda ang inyong kabuhay sa pangkalahatan.

9.   Iwasan ang mga sumusunod na kulay ng wallet.

Ø Kulay blue na wallet (water element) sapagkat nangangahulugang itong aagusin palayo ang pera sa iyo.

Ø Kulay red na wallet (fire element) dahil ito ay sumisimbolo sa pagkasunog ng iyong mga pera. Meaning, lagi kang walang pera.

Ø Kulay pink (fire element) at purple na wallet (wood element). Bagama’t masuwerte ang kulay pink at purple  pagdating sa love, pero hindi sa pera.  Ilalayo nito ang pera sa inyo dahil kayo ay magiging magastos. Iyong tipo na hindi kayo makaipon dahil oras na magkapera kayo ay biglang magkakaroon ng mga kung ano-anong biglaang gastos.

10.               Isaalang-alang ang hugis ng wallet na gagamitin. Iwasang gumamit ng mga wallet na may irregular na hugis. Pillin ang straight, long type wallet kung saan kapag inilagay ninyo ang bills ay hindi malulukot. Makatutulong ito para ma-enhance ang inyong wealth luck.

11.               Maglagay ng lucky charm sa inyong wallet upang makatulong na ma-boost pa ang inyong kabuhayan. Maglagay ng ilang tuyong dahon ng laurel sa wallet sapagkat itinuturing ang bay leaf bilang lucky charm herb.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.