Ang turquoise ay isang uri ng gemstone na kulay bughaw o asul. Sa kulay na ito hinalaw ang pangalan ng batong ito.
Ang turquoise ay nabuo sa hydrated crystal ng aluminum at copper phosphate. Ang turquoise ay isang semi-precious stone.
Maliban sa pagiging pigment sa Islam architecture and art, ang turquoise ay may mahalagang papel sa astrology.
Para sa kaugnay na babasahin, i-click lamang ang mga link:
Ang kulay asul na semi-precious stone na ito ay nakaugnay sa Aztecs. Ito ay nagsisilbing conduit o daluyan ng lunar energy. Ito rin ay simbolo ng air at water energy ng cosmos.
Katulad ng iba pang water-related stones, ang turquoise ay may reputasyon bilang isang healing crystal na nakapagpapalakas ng mahinang auras, at nakapagre-recharge ng empathetic energies.
Kilala rin ang turquoise bilang pangontra sa evil eye. Ang evil eye ay isang negatibong aura waves mula sa isang tao na may malaking inggit sa katawan.
Ang anti-evil eye amulet ay nagtataglay ng batong turquoise. Sinasabi rin na kung sino man ang may dala ng batong turquoise, siya ay magkakaroon ng malakas na karisma at sex appeal sa tao.
Ang turquoise ay simbolo rin ng heart chakra at throat chakra, na mahahalagang spiritual energy centers sapagkat ang mga ito ay nakahimlay sa daanan patungo sa pineal gland.
Ang turquoise ay mahalagang instrumento sa meditation dahil na rin sa kaugnayan nito sa throat na siyang nagpupuno ng hangin sa ating baga o lungs. Ang batong ito ay nagsisilbing breathing modulator at nagtataglay rin ng calming effect.
Sa pangkalahatan, ang turquoise ay isang protective at healing stone. Upang mapalakas ang kapangyarihang taglay ng turquoise, maaari itong ilagay sa ilalim ng buwan tuwing New Moon.