28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Ang Iyong Hinahangad na Lalaki Ayon sa Iyong Zodiac

ARIES WOMAN- Gusto ng Aries woman ang lalaking malakas at may kakayahang tumayo sa sariling mga paa. Yung lalaking may malaking tiwala sa sarili. Magsasalita ayon sa sariling paniniwala at handa itong panindigan hanggang sa dulo.

TAURUS WOMAN- Bet naman ng Taurus woman ang lalaking simple pero sensual. Madaling i-please at walang arte sa katawan. Isang tradisyonal na tipo ng lalaki.

GEMINI WOMAN- Attracted ang isang Gemini woman sa lalaking matalino. Athletic look. Yung hindi nauubusan ng sasabihin at punumpuno ng thrill. Ayaw ng babaeng  Gemini sa lalaking boring.

CANCER WOMAN- Love ng Cancer ang isang lalaking sensitibo at very protective. Yung tipong handa siyang protektahan sa lahat ng oras. Kaya naman type niya ang guy na physically strong para maramdaman niya na secure siya.

LEO WOMAN- Like naman ng Leo woman ang lalaking outgoing. Pwede kahit saan.Yung kayang laruin ang sitwasyon sa anumang pagkakataon. Fun to be with. Gusto rin nila ang jealous man dahil nakakadagdag ito sa kanilang atraksyon.

VIRGO WOMAN- Feel na feel ng Virgo woman ang lalaking mabait at matulungin. Yung tipong tahimik lang na ineenjoy ang buhay. Simple at hindi bossy ang dating.

LIBRA WOMAN- Super attracted ang babaeng Libra sa simpleng lalaki. Yung romantiko at makaluma ang dating. Very classic pero sakto lang ang charm. May good manners.

SCORPIO WOMAN- Humahanga ang babaeng Scorpio sa lalaking makapangyarihan at komplikado. Yung tipong nakakaintriga ang dating at may lalim. Misteryoso na mapa-puzzle siya. Para itong magnet sa kanya.

SAGITTARIUS WOMAN- Impressed naman ang babaeng Sagittarius sa lalaking playful , masayang kasama at matapat.  Ang mahabang conversation sa isang funny guy ay special moments para sa isang Sagittarius woman.

CAPRICORN WOMAN- Mas gugustuhin ng isang Capricorn woman ang lalaking matalino, responsable at may direksyon ang buhay. Achievers at may maipagmamalaking negosyo. In short, stable man ang hanap niya.

AQUARIUS WOMAN- Para sa Aquarius woman, hindi importante na matalino ang isang lalaki. Attracted siya sa lalaking may uniqueness, aloof, yung hindi pangkaraniwan. Kayang magdala ng damit at style kahit ano pa ito.

PISCES WOMAN- Kadalasan ay impressed siya sa lalaking kumplikado, sensitibo at nakakaintriga. Wala siyang paki kahit kulang ito sa confidence. Ang halimbawa ng tipo ng isang Pisces woman ay ang starving artist.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.