26.9 C
Manila
Monday, October 21, 2024

8 Hakbang sa Pagde-date

Ano na nga ba ang definition ng tao sa “dating” ngayon? Siguro ay parehas pa rin sa noon, pero nadagdagan na ng ibang factors, depende sa kung nasaang lipunan at panahon tayo. Yung paraan ng pag-date ng mga tao ngayon ay malayo na sa kung paano makipag-date ang mga magulang natin noon. Read on.

Masaya ang feeling ng “first date”, pero medyo confusing para sa ibang tao ang iba ibang stages ng “dating” at kung ano ang ibig sabihin nito sa relationship. Some things remain the same through the ages- may meeting point, may sort of “first date”, some sort of conversation to define where you are going- pero may mga bagay na hindi mo pa rin ma-explain. Para matulungan ka sa confusion na ito, sasabihin ko ang “major stages of dating” na importante na malaman mo:

Stage 1: Meeting

Syempre mag-uumpisa ang lahat kapag nagkakilala na kayo. Pwedeng through a friend, through social media, or meeting at a random place.

Stage 2: Having a Crush

Masusundan ang stage 1 ng attraction. Yung ibang tao, nagkaka-crush sa isang tao through physical attraction. Yung iba naman, kapag nakikita nilang masaya kausap ang isa, nagiging interesado pa silang makilala ito.

Stage 3: Declaring your Crush for Him/Her

This stage is all about expressing your feelings to the other person and telling him/her that you want to be take it further than just talking with each other. Open ka na magsabi sa kanya na attracted ka sa kanya at hindi mo na ito balak itago sa kanya dahil nag-uumapaw ang nararamdaman mo.

Stage 4: Awkward Part

Dito, medyo nagkakahiyaan pa kayo dahil kakagaling ninyo lang sa stage na nagka-aminan kayo ng nararamdaman ninyo para sa isa’t isa.

Stage 5: First Date

When this happens, sobrang excited kayo dahil first time ito na lalabas kayo.

Stage 6: Labeling your Relationship

Dito, nagtatanong na kayo ng “Ano ba tayo?” at napapaisip na kayo ano ang mangyayari sa inyo. At kahit nakaka-frustrate na, medyo excited ka rin dahil alam mo naman kung ano ang intention niya sayo. Yun nga lang, gusto mong gawing casual lahat pero kinakabahan ka rin.

Stage 7: Sweet as Candy

Being in love is incredible. Sobrang special feeling ito na hindi mo maipaliwanag. Sa stage na ito, hindi ka makakain at makatulog.

Stage 8: Making it Official

Ito ang “final stage” kung saan may ligawan nang magaganap at mutual kayong magsasabi ng “oo” sa pagpasok sa isang panibagong relasyon.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.