Lahat tayo ay isang uri ng energy form.
Bilang isang enerhiya, bawat isa ay naglalabas ng frequency at vibration.
Mahalagang mapataas ang lebel ng ating frequency at vibration upang hindi tayo mabilis kapitan ng negative energy; at lagingmagkaroon ng positibong pananaw, saloobin, at disposisyon sa buhay. Ito ang susi sa pagkakaroon ng masaya at kontentong buhay.
Sa pang-araw araw nating pakikisabak sa mundong ito, hindi madali na panatiihing calibrated at nasa mataas na lebel ang ating frequency at vibration. Napakaraming factors sa paligid na nakapag-a-attract ng negative energy.
Ang pagpapanatili ng isang mataas at malakas na frequency at vibration ay isang pang-araw-araw na gawain. Kung ihahalintulad sa isang cell phone, mahalagang i-charge din an gating energy upang hindi ito ma-drain at hindi tayo ma-low battery.
Narito ang limang simpleng pamamaraan upang mabalanse ang iyong enerhiya at mapanatiling mataas ang iyong frequency at vibration sa araw-araw.
1. Mabuhay sa kasalukuyan. Ang pagiging grounded ay susi sa pagpapanatiling mataas ang frequency at vibration. Ang labis na pangamba para sa hinaharap at pagmumukmok sa nakaraan ay umuubos sa ating energy supply. Maaaring planuhin ang buong araw at magtakda ng mga goals sa hinaharap na hindi kinakailangang mag-aalala sa kalalabasan. Ang magiging resulta ng anumang plano at hakbangin ay dapat ipagkatiwala sa universe. Tigilan na ang pag-iisip ng kung ano-anong negatibong bagay. Simulang i-materialize ang iyong mga pangarap sa tulong ng law of attraction.
2. Ugaliin ang breathing exercise. Hindi lahat ay nakapagpa-praktis ng meditation at yoga. Ngunit mahalaga na bawat isa sa atin ay isagawa ang proper breathing technique. Suportado ng Science na ang oxygen ay nakatutulong upang maging mainam ang ating kaisipan at mga nerves. Huminga ng dahan-dahan at malalim, at saka ito pawalan ng dahan-dahan. Damhin ang hangin (oxygen) habang ito ay pumapasok sa iyong lungs. Gawin ang breathing exercises sa loob ng lima hanggang 15 minuto. Ang simpleng breathing technique na ito ay makapagi-energize ng iyong katawan at makatutulong upang mapaglabanan ang anumang negatibong emosyon at anxiety.
3. Maging kaisa ng kalikasan. Takasan ang magulong buhay at materyalismo sa pamamagitan ng paga-appreciate sa nature. Ang simpleng paghahalaman ay sapat na upang maging kaisa ulit ng Inang Kalikasan. Napatunayan rin sa mga scientific study na naglalabas ng positive electrons ang mga halaman na mainam upang ma-energize ang katawan at kaisipan.
4. Gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa iyo. Huwag magpatali sa isang routine na hindi ka naman nakararamdam ng fulfillment. Be bold enough to follow your heart and dreams, ika nga. After all, ang pagiging masaya ang dapat maging pangunahing goal ng bawat isa.
5. Ingatan ang kalusugan. Hindi mo magagawang ingatan ang mga mahal mo sa buhay kung sarili mo nga ay hindi mo maalagaan. Alamin ang mga wastong paraan ng pangangalaga sa sarili. Mag-ehersisyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Uminom ng maraming tubig. Matulog ng sapat sa oras. Maging produktibo. Lahat ng ito ay makatutulong upang mapalakas ang iyong sarili.
Nawa ay makatulong ang mga steps na aking ibinahagi upang mapataas ang iyong frequency at vibration. May nais ka bang idagdag? I-comment lamang ito.