Habang tumatanda ka, mas natututo ka na pagdating sa mga hindi siguradong relasyon. It could take years and a lot of relationships before you could distinguish an uncertain kind of undefined relationship, but through these, you also learn how to love unconditionally. Kaso, may mga relasyon talaga na hindi mo pa rin maintindihan. Read on.
Sa isang malabong relasyon, talagang gugustuhin mo na malaman kung ano ka ba talaga sa kanya, long term man o short fling- dahil ang totoo, ayaw mong magsayang ng oras para sa isang taong paglalaruan lang pala ang puso mo. Pero minsan tama din ang kutob mo, pero para mas sigurado, basahin ang signs na ito para malaman kung panakip butas ka lang ng isang tao.
1. May oras na malambing siya, pero may oras din na malayo siya sayo
In times of emotional need, para bang hindi siya mabubuhay nang wala ka. Pero kapag okay ang mga bagay bagay, parang hindi mo siya maramdaman; ni hindi mo siya mapagawa ng mga bagay na magfofocus siya sayo. Pagkatapos, marerealize mo na lang na para bang draining na yung feeling around him.
2. Sobrang in love siya sayo na parang hindi na normal
Tinatrato ka niya na parang ikaw ang tagapag-ligtas niya. Nararamdaman mo rin na kailangan mo siyang alagaan ng sobra dahil sensitive siya na tao. Talaga bang kailangan mo ang ganyang klase ng intensity o tingin mo ay tila ba hindi para sayo ang intensity na yan?
3. Kakagaling lang niya sa isang relasyon
Syempre, hindi lahat ng tao na galing sa isang relasyon ay hindi handa para sa panibagong pag-ibig, dahil may instances na matagal nang nawala ang pagmamahal bago pa magkaroon ng breakup. Pero para safe at sure, importante talaga na maging single muna ang isang tao bago ito tumalon agad sa bagong pag-ibig.
4. Seryoso ang huling relasyon niya
Kung ganito ang sitwasyon, kailangan mapaisip ka dahil hindi agad agad nawawala ang alaala ng isang tao na galing sa isang seryosong relasyon. Kailangan mo munang pagpahingahin ang puso niya bago mo ipilit ang sarili mo sa buhay niya.
5. Lagi niyang binabanggit ang ex niya
Sa bawat kwentuhan ninyo, mapapansin mo na lagi siyang may sinisingit na kwento tungkol sa ex niya.
6. Mataas ang expectations niya pagdating sa relasyon ninyo
Mararamdaman mo na para bang lagi niyang sinusukat ang halaga mo. Para bang pag nagkamali ka ay hihiwalayan ka na niya agad. Ibig sabihin, ganun siya ka-insecure sa sarili niya at sa taong nasa paligid niya.