31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Setyembre 4, 2023

ARIES

Huwag kang maghangad ng hindi sa’yo. Mas makakabuti kung iiwasan mo siya at hindi ka aasa dahil alam mo naman na may nagmamay-ari na sa puso niya. Ikaw lang din ang masasaktan sa huli kung hindi mo lilimitahan ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 10 & 16

TAURUS

Magiging sobrang emosyonal ka sa araw na ito dahil sa seryosong pag-uusap na mamamagitan sa inyo ng iyong karelasyon. Marami siyang hinaing na bubuksan sa’yo at hindi mo akalain na meron pala siyang mga ganitong isipin sa’yo.

Masuwerteng numero; 30 & 31

GEMINI

Sa ayaw at sa gusto mo ay darating na kayo sa hangganan ng inyong relasyon. Kahit na ano pa ang gawin mo ay hindi na ito makaka-survive. Wala ka ng ibang magagawa pa na makakabuti para sa inyo kundi tanggapin ito.

Masuwerteng numero; 9 & 14

CANCER

Sadyang mahirap magmahal ng iba kung nasa loob ka na ng isang relasyon na hindi mo makakayang bitawan dahil sa obligasyon. Iyan mismo ang mararanasan mo ngayon. Mahirap pero wala kang magagawa kundi kayanin.

Masuwerteng numero; 20 & 28

LEO

Masuwerte ka sa tao na nagmamahal sa’yo ngayon dahil wala siyang ibang nakikita kundi ikaw. Kaya naman kahit na ano pa ang iutos mo ay susundin niya at kahit na ano pa ang hilingin mo ay ibibigay din niya.

Masuwerteng numero; 34 & 45

VIRGO

Iba ang mahal sa gusto lang kaya siguraduhin mo muna na hindi ka lang niya basta gusto kundi nasa puso ka rin niya dahil kung hindi ay ikaw lang ang magdurusa sa bandang huli kapag narealize niya na ayaw na niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 25 & 30

LIBRA

Isang tao ang makikilala mo sa event na dadaluhan ngayong araw. Magkakaroon ka ng interes sa taong ito dahil sa kagandahan ng pisikal na anyo na makikita mo sa kanya at gayundin ang magandang katangian na ipapakita niya.

Masuwerteng numero; 19 & 31

SCORPIO

Trabaho pa rin ang pipiliin mo kaysa lovelife. Ito pa rin ang higit na makakapagpasaya sa’yo. Hindi pa rin mababago ang katuwiran mo na mas mahalagang malamanan ang sikmura kaysa puso. Kaya mananatili ka pa ring manhid sa pagtingin niya.

Masuwerteng numero; 6 & 16

SAGITTARIUS

May bago kang matutuklasan sa iyong mahal. Sa tagal ng inyong pagsasama ay hindi mo alam na meron pala siyang talento sa pagpipinta. Masaya ka sa natuklasan mong ito dahil mahilig ka rin dito.

Masuwerteng numero; 50 & 60

CAPRICORN

Magiging speechless ka sa harap ng iyong mahal dahil hindi ka ready sa kanyang sorpresa para sa iyong achievement. Alam niya naman na hindi ikaw ang tao na mahilig magcelebrate pero wala ka ng magagawa sa selebrasyong inihanda niya para sa’yo.

Masuwerteng numero; 65 & 78

AQUARIUS

Hindi mo sukat akalain na mahuhulog ka sa tao na palagi mong itinutulak sa iba. Pero magiging palaisipan sa’yo ngayon kung huli na ba ang pagkakagusto mo sa kanya o may pag-asa pa na makuha mo siya.

Masuwerteng numero; 72 & 83

PISCES

Hindi magugustuhan ng iyong kapareha ang gagawin mong pagdedesisyon na hindi siya kinokonsulta. Lalo na at mahalaga ang usapin na ito tungkol sa iyong kalusugan. Ikaw lang din ang inaalala niya kaya gusto niyang maging maingat ka sa pagpapasya.

Masuwerteng numero; 41 & 47

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.