29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 4, 2023

DAGA (RAT)

Makukunsumi ka ngayon sa isang tao. Hindi mo alam kung bakit sa simula pa lang ay mabigat na talaga ang loob mo sa kanya at araw-araw ay unti-unti mong matutuklasan kung bakit ganoon na lamang ang inis mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 13,31,39,40

BAKA (OX)

May mahalagang bagay kang makikita ngayong araw na matagal mo ng hinahanap. Malaki ang maitutulong nito sa’yo sa pang-araw-araw mong routine kaya naman ikakatuwa mo ng labis ang pagkakatagpo mo rito.

Masuwerteng numero; 10,20,21,22

TIGRE (TIGER)

Kahit na ayaw mo ay hindi ka makakaiwas sa isang mabigat na trabaho. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ng iyong boss para gampanan ito dahil ikaw lang ang mapagkakatiwalaan niya rito kaya naman no choice ka.

Masuwerteng numero; 45,46,50,51

KUNEHO (RABBIT)

May makikilala kang isang tao na may malaking maitutulong sa inyong kabuhayan at ipagpapasalamat mo ito. Hindi man siya ang direktang tutulong sa inyo ay wala namang magiging ibang paraan kundi sa pamamagitan lang niya .

Mauswerteng numero; 6,16,19,20

DRAGON (DRAGON)

Ikaw lang ang maaasahan ng iyong mga magulang para sa iyong mga kapatid kaya hindi mo sila pwedeng biguin. Dahil mabuti kang anak, ngayon pa lang ay uumpisahan mo na ang pagbabagong makakatulong sa kanila balang araw.

Masuwerteng numero; 1,2,11,23

AHAS (SNAKE)

Magiging palaisipan sa isang tao ang komento mo sa kanyang post. Gayunpaman, wala kang balak mag-explain sa kanya. Matapos mong magbigay ng puzzle ay ibabaling mo na ang buong atensyon mo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 5,15,30,35

KABAYO (HORSE)

Mapipilitan kang pagbigyan ang kahilingan ng isang kamag-anak dahil sa utang na loob mo sa kanya. Kahit pa nangangahulugan ito na maaapektuhan ang iyong pinansiyal na naka-budget na at wala kang magagawa.

Masuwerteng numero; 50,55,60,65

TUPA (SHEEP)

Wala kang mapapala sa pakikipag-usap sa isang tao na hindi naman interesado sa iyong sinasabi. Ang lahat ng sasabihin mo pa sa kanya ay papasok lamang sa kanang teynga at lalabas sa kaliwa kaya maghanap ka na lang ng ibang kausap.

Masuwerteng numero; 40,41,43,56

UNGGOY (MONKEY)

Sa panahong ito ay walang ibang makakatulong sa’yo kundi ang iyong sarili. Kaya mas makakabuti kung magpopokus ka na lang sa pag-iisip ng solusyon sa iyong mga problema kaysa sa paghahanap ng makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,14,18,19

TANDANG (ROOSTER)

May makikilala kang tao na aakalain mong sagot sa mga problema mo pero ikakagulat mo na lang na magiging karagdagan pa pala siya sa mga problemang kinakaharap mo na sa ngayon at labis mo itong ikakalungkot.

Masuwerteng numero; 8,9,10,12

ASO (DOG)

Iwasan mong magbitiw ng hindi magandang salita sa tao na makakaharap mo ngayon dahil may taglay siyang kakaiba na hindi mo magugustuhan. Tatalbog sa’yo ang anumang sasabihin mo sa kanya kaya mag-ingat.

Masuwerteng numero; 25,26,30,34

BABOY (PIG)

Wala kang ibang dapat bantayan sa ngayon kundi ang iyong kalusugan. Ito lamang ang magbibigay sa’yo ng alalahanin. Alam mo na ang dapat mong gawin para rito. Bukod dito ay wala ka ng ibang poproblemahin sa ngayon.

Masuwerteng numero; 6,9,13,15

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.