28.1 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Online Horoscope Setyembre 7 2023

ARIES  (Marso 21 – April 19) Gagantimpalaan ka ng langit kahit wala kang ginagawang anupamang bagay. Ipagpatuloy mo ang iyong kabutihan, ang kasalukuyan mong sarili at ang kasalukuyan mong ginagawa, upang lalo kang mapalapit sa itaas at ng mas marami pang gamtimpala ang iyong matanggap. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 1, 8, 25, 27, 40, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kailangang yumaman ka, dahil hindi mo kaya na hindi tulungan ang mga nagsisilapit sa iyo. Pero ‘wag kang mag-alala, dahil ang langit ang siya namang laging aalalay sa ‘yo at magbibigay ng mas marami pang mga biyaya at mga pagpapala. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 6, 18, 24, 34, 43, 42. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Unahin mo ang kabuhayan kaysa sa pag-ibig. Dahil ang una talagang mangyayari sa iyo ay ang yumaman. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 9, 15, 28, 35, 42, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi mo maiiwasan na sumingit sa iyong isipan ang mga negatibong pananaw. Kapag ito ay nangyari ang kailangan mo ay karamay. Isang kaibigang Virgo ang tutulong sa iyo upang tuluyan ng makaahon sa pagkakabalaho ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2, 13, 25, 34, 38, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi ka mapapalagay hangga’t hindi mo natutulungan ang isang malapit sa puso mo. Nang matahimik ka na, tulungan mo siya. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  5,  14, 21, 19, 29,  41. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May babala na mapagkakamalan ng iyong tinulungan na ikaw ay may pagtingin sa kanya at kapag nagkataong mahina ka, siya at ikaw ay magiging kayo.  Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 9, 16, 29, 34, 38, 45. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Habang sinisiraan ka ng isang nilalang, siya ang nasisira sa mata ng mga tao. Ikaw naman na walang kasalanan ay mas lalong darami ang iyong suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 6, 15, 29, 31, 34, 44. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi mo maintidihan ang panahon kung magta-tag-araw na ba o patuloy ang paglamig ng panahon. Medyo nagiging abnormal na talaga ang kalikasan. Sa panahong ito iwasang sumobrang dikit na dikit sa ka-opposite sex. Tandaan mong ang kahoy na babad man sa tubig, ay nag-aapoy din kapag nagiinit.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4,  16, 13, 37, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ikaw ay labis na magtataka kung bakit ikaw ay laging sinusuwerte. Nakadikit na kasi ang buenas sa iyong katawan sa unang araw pa lang na ikaw ay isinilang. Bahaginan mo lagi ang mga kapos-palad, dahil ang katotohahan, napunta sa iyo ang kanilang buenas. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6,  19, 27, 35, 37, 42. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Talo ng sipag mo ang mga matatalino. Ang totoo nito, inggit sila sa ‘yo, dahil alam nilang kahit sila matalino, hindi ito sapat upang sila ay umenso. Hindi kagaya mo, may konting talino na, marami pang sipag. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 8, 17, 24, 28, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Isang lihim ang ipagkakatiwala sa ‘yo ng isang malapit sa kaloob mo. Ingatan mo ito upang hindi masira ang inyong relasyon at ng lalo ka niyang pagkatiwalaan ng marami pang mga lihim niyang sa loobin. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 14, 20, 23, 36, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Ito ang araw na ang iyong magiging kahilingan para sa kapakanan ng iyong mahal sa buhay ay maririnig ng langit kaya ito’y matutupad agad-agad. Tama ang ginagawa mo, unahin mong lagi ang kapakanan ng mga mahal mo sa buhay, kaysa sa anupamang bagay. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 5, 16, 19, 37, 43, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.