27.4 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 7 2023

DAGA (RAT)

Malaki ang pagbabagong magaganap sa pwesto mo sa trabaho dahil sa pagpasok ng bago ninyong boss. Kakailanganin mo ngayon na makiramdam muna kung paano mo gagamayin ang bago mong pwesto para hindi ka mahirapan.

Masuwerteng numero; 15,20,25,30

BAKA (OX)

Hindi ka maaaring kumontra sa kung anuman ang napagpasyahan na ng nakararami sa inyong grupo. Mahihirapan kang ipaglaban ang iyong opinyon kung nag-iisa ka at wala man lang sasang-ayon sa’yo maski isa.

Masuwerteng numero; 14,28,30,35

TIGRE (TIGER)

Huwag magpadala sa sinasabi ng iba. Kailangan mong panindigan ang sarili mong desisyon sa pagkakataong ito dahil nasa kamay mo ngayon ang suwerte at wala sa kanila kaya huwag mo itong pakawalan.

Masuwerteng numero; 40,45,47,50

KUNEHO (RABBIT)

May maliit na biyayang matatanggap. Kailangan mong pag-ingatan at pangalagaan na mabuti ang maliit na biyayang ito sa ngayon dahil darating ang araw na magagamit mo itong pananggalang sa malaking problema na kakaharapin.

Masuwerteng numero; 10,13,20,21

DRAGON (DRAGON)

Wala kang mapapala sa sa mga tao na walang alam kundi ang makialam sa buhay ng iba. Huwag ka ng sumali sa kanila dahil iba ang direksyon ng buhay na kailangan mong tahakin. Iba ang inilaan sa’yo ng tadhana.

Masuwerteng numero; 31,35,46,49

AHAS (SNAKE)

Magiging madali lang para sa’yo na lusutan ang problemang napasukan mo ngayon. Napagdaanan mo na ito minsan sa buhay mo kaya naman alam mo na kung ano ang diskarteng gagawin mo para masolusyunan ito.

Masuwerteng numero; 14,17,19,20

KABAYO (HORSE)

May makikilala kang tao na makakatulong sa’yo ngayon sa problemang pinansiyal na kinakaharap mo. Subalit kailangan mong maghinay hinay sa tulong na iyong tatanggapin dahil hindi mo gugustuhin na mabaon ka sa utang na loob sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,9,13,14

TUPA (SHEEP)

Ikaw ang tutupad sa iyong mga pangarap. Makakadama ka sa ngayon ng takot pero kailangan mo na matutunan kung paano kontrolin ang iyong sarili. Kailangan mong matutunan kung paano magkaroon ng lakas ng loob.

Masuwerteng numero; 16,30,33,35

UNGGOY (MONKEY)

Malaking bagay sa’yo kung tatanggapin mo ang offer ng isang tao para gumawa ng proyekto. Subalit magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung ito ay iyong kakayanin sa dami ng proyekto na pinagkakaabalahan mo ngayon.

Masuwerteng numero; 30,40,45,49

TANDANG (ROOSTER)

Sa kabila ng takot na nararamdaman mo ay pikit mata mo pa ring susuungin ang trabaho na iaatang sa’yo ng nakatataas. Wala ka pang karanasan sa gawaing ito pero susubukan mo pa rin sa abot ng iyong makakaya.

Masuwerteng numero; 24,42,45,56

ASO (DOG)

Mapapahanga mo ang marami sa tapang at lakas ng loob na ipapakita mo sa pagharap sa isang malaking hamon sa buhay. Ang iyong katatagan ay manggagaling sa mga tao na buo ang tiwala at suporta sa lahat ng iyong ginagawa.

Masuwerteng numero; 21,22,56,59

BABOY (PIG)

Hindi mo man sinasadya ay may tao kang masasaktan dahil sa pagdedesisyon na gagawin mo. Pero wala ka ng ibang mapagpipilian kundi ang magdiskargo at magpakumbaba dahil hindi mo na maibabalik ang napagpasyahan mo na.

Masuwerteng numero; 4,7,8,19

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.