26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Tagalog Horoscope Disyembre 17, 2023

DAGA (RAT)

Kahit na anong bilin at pangako mo sa sarili ay hindi mo pa rin mapapagaksya ang budget mo sa araw na ito dahil tulad ng dati ay sa kung anu-anong bagay pa rin mauuwi ang iyong bonus at mababalewala ang iyong mga plano.

Masuwerteng numero; 4,12,15,30

BAKA (OX)

Wala kang magagawa sa gagawing paglayo ng isang mahal sa buhay. Nasa edad na siya para pagdesisyunan ang sarili niyang buhay kaya ang magagawa mo na lang ay suportahan siya sa kanyang mga pasya at pagpayuhan na lang.

Masuwerteng numero; 1,3,4,6

TIGRE (TIGER)

Magiging maaliwalas ang araw mo dahil wala ang mga taong nagbibigay ng stress sa’yo. Makukuha mo ang pahinga na gusto mo. Maluwag ang oras para sa’yo sa araw na ito kaya i-enjoy mo lang ang buong maghapon.

Masuwerteng numero; 6,16,21,34

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka mahihirapan na kausapin ang isang kliyente. Sobrang magiging makabuluhan ang pag-uusap nyo. Hindi mo lang basta maisasara ang deal sa kanya kundi marami ka ring matututunan tungkol sa negosyo mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 23,32,45,47

DRAGON (DRAGON)

Ngayong araw ay hindi ka magpapadaig sa isa pang miyembro ng inyong pamilya. Ang silent war sa pagitan nyo ay magniningas subalit hindi na ito kailangang palakihin. Ikaw din ang siyang unang magpapakumbaba.

Masuwerteng numero; 40,49,51,54

AHAS (SNAKE)

Hindi mo panghihinayangan ang relasyon mong nakatakdang magwakas ngayong araw. Para sa’yo ay nagawa mo na ang best mo at marami ka na ring naisakripisyo kaya kung mawala man ito sa’yo ay hindi mo na kasalanan.

Masuwerteng numero; 24,36,48,50

KABAYO (HORSE)

Isang maagang pamasko ang matatanggap ngayong araw mula sa isang hindi inaasahang tao. Wala ni sa hinagap mo na siya ay magbabalik pa sa’yo kaya labis mong ikabibigla ang gagawin niyang pagpaparamdam.

Masuwerteng numero; 31,42,55,60

TUPA (SHEEP)

Magiging masaya ang pakikipagbonding sa mga kaibigan sa isang party. Ang buong maghapon hanggang magdamag ay magiging memorable sa bawat isa sa inyo. Makakaranas lang ng kakapusan sa inyong ihahandang pagkain.

Masuwerteng numero; 15,18,26,33

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ka ng maraming option sa trabaho. Kaya naman hindi ka makakaramdam ng pag-aalala kung mawala man ang isa. Nasa mga palad mo ngayon ang suwerteng pinakahihintay ng iba kaya dapat mo itong ingatan at ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 11,13,14,17

TANDANG (ROOSTER)

Marami kang lakad na tatanguan kaya naman marami ang aasa sa iyong pagdating. Dahil dito kaya naman ang iba ay makakalimutan mo na at maiipit ka sa mahigpit mong schedule. Hindi maiiwasan na may magtampo sa’yo.

Masuwerteng numero; 63,65,69,70

ASO (DOG)

Isang hindi inaasahang tao ang makikita mo sa pupuntahang reunion. Bagamat hindi mo siya gustong makita ay wala kang magagawa dahil imbitado rin siya. Gagawin mo ang lahat ng pag-iwas hangga’t maaari.

Masuwerteng numero; 12,13,25,28

BABOY (PIG)

Mabibigo kang pasayahin ang isang kaibigan na nababalot ngayon ng kalungkutan dahil sarado pa ang kanyang isip. Hindi pa siya handang bumangon kaya mas makakabuti kung hahayaan mo na lang muna siya.

Masuwerteng  numero; 31,32,42,46

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.