30.4 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Chinese Horoscope Tagalog Disyembre 20, 2023

DAGA (RAT)

Hindi magiging madali para sa’yo ang bagong hamon na haharapin mo. Pwede mo naman itong iwasan kung gugustuhin mo pero mas pipiliin mo na tanggapin ang hamon. Gagawin mo ang lahat para mapagtagumpayan ito.

Masuwerteng numero; 6,18,19,20

BAKA (OX)

Babalikan mo ang isang alaala na hindi mo na dapat pang balikan. Ito ay dahil sa hindi sinasadyang pagdaan sa newsfeed mo ng isang tao na may malaking kinalaman dito. Isa siyang mahalagang parte ng alaala mo.

Masuwerteng numero; 7,19,21,22

TIGRE (TIGER)

Kakapusin ka ng pasensya sa isang kasamahan sa trabaho. Para sa’yo ay hindi na tama ang kanyang mga ginagawa. Wala na sa kaayusan at nakakatapak na siya ng ibang tao. Mapipilitan kang pakialaman ito dahil isa kang righteous person.

Masuwerteng numero; 1,12,13,24

KUNEHO (RABBIT)

Normal lang ang araw na ito para sa’yo. Walang masyadong thrill. Wala ka ring problemang kakaharapin. Ikaw na ang mag-iisip ng paraan kung paano mo mabibigyan ng kulay ang iyong araw. Madali ka kasing ma-bored.

Masuwerteng numero; 6,7,28,30

DRAGON (DRAGON)

Magandang araw ito ng paglalakbay. Sa wakas ay matutuloy na rin ang matagal mo ng pinlanong pag-uwi sa inyong probinsya. Kahit mag-isa ka lang ay magagawa mong enjoyin ang bawat oras mo sa byahe sa kabila ng mga traffic na pagdaraanan.

Masuwerteng numero; 1,2,11,21

AHAS (SNAKE)

Tututukan mo ngayon ang isang gawain na palagi mong nakakaligtaang gawin. Ngayon ka lang makakahanap ng perpektong oras para dito. Hindi mo kasi ito priority subalit hindi mo maikakaila na malaking tulong ito sa iyong kalusugan. Ito ay ang pag-eehersisyo.

Masuwerteng numero; 3,14,17,18

TUPA (SHEEP)

Malalagay ka sa isang alanganing sitwasyon at isang tao ang magpapakita ng kanyang malasakit sa iyo. Pagdududahan mo ang tunay niyang motibo subalit mapapatunayan niya rin sa huli na malinis ang kanyang intensyon.

Masuwerteng numero; 6,19,29,30

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo mahahalata ang tunay na damdamin sa’yo ng isang kaibigan. Hindi rin niya gusto na malaman mo ang tunay niyang nararamdaman para sa’yo dahil alam niya na wala namang patutunguhan ang damdaming iyon.

Masuwerteng numero; 10,12,14,25

TANDANG (ROOSTER)

Magiging abala ka ngayon sa gawaing pangsimbahan. Ito ay sa impluwensya ng iyong mga kaibigan na aktibo sa gawaing ito.Mabuting impluwensya sila sa’yo kaya naman hindi masama kung sila ang palagi mong makakasama.

Masuwerteng numero; 2,13,22,24

ASO (DOG)

Hindi mo maiiwasan ang isang bisita na sorpresang kakatok sa bahay nyo. Hindi mo siya gustong makita dahil may tampo ka pa sa kanya subalit hindi mo siya mapipigilan, ito ang araw na sisikapin niyang mawala ang tampo mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,18,19,20

BABOY (PIG)

Dahil nasa paligid mo lang ang iyong mahal sa buhay kaya naman lahat ng gagawin mo ay magiging inspirado ka. Pag-iisipan mo ang isang proyekto na makakatulong sa nakararami sa inyong barangay at makakaasa ka ng suporta mula sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,14,26,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.