26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope Tagalog Disyembre 19, 2023

DAGA (RAT)

Maiibsan ang nararamdaman mong kalungkutan dahil isang kaibigan ang bibisita sa’yo. Wala naman siyang mahalagang pakay kundi gusto ka lang talaga niyang bisitahin para kumustahin. Malilibang ka sa inyong kuwentuhan.

Masuwerteng numero; 8,9,11,21

BAKA (OX)

Mate-turn off ka sa isang tao na matagal mo ng hinahangaan. Ito ay dahil sa isang hindi kagandahang ugali niya na makikita mo nang hindi sinasadya. Dahil dito ay awtomatikong maglalaho ang paghanga mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 7,14,25,30

TIGRE (TIGER)

Maaliwalas ang awra mo ngayon kaya naman ang suwerte ay maaakit mo papasok sa iyong negosyo. Panatilihin mo lang ang iyong good vibes kahit pa pasulpot sulpot ang mga nakakaimbyernang tao sa paligid mo.

Masuwerteng numero;1,12,13,19

KUNEHO (RABBIT)

Iisipin mo na nag-iisa ka at walang makakaramay sa iyong problema. Bago lumubog ang araw ay malalaman mo kung sino ang iyong makakaramay sa mahirap mong sitwasyon ngayon. Mapapanatag ka dahil sa pagdamay niya.

Masuwerteng numero; 10,22,25,26

DRAGON (DRAGON)

Mararamdaman mo ang presensya ng isang mahal sa buhay na matagal nang nilisan ang mundong ito. Iisipin mo na pinagmumultuhan ka niya pero ang totoo ay namimiss mo lang siya kaya naman kusa mo siyang maaalala at mararamdaman.

Masuwerteng numero; 1,11,16,17

AHAS (SNAKE)

Hindi mo man gusto ay kakailanganin mong iwasan ang isang tao alang-alang sa iyong mahal. Hindi mo rin kasi gusto ang nararamdaman mong pagseselos niya kaya ngayon ay mapipilitan kang iwasan ang isang tao kahit pa kaibigan lang talaga siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 9,10,11,21

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng matinding pagseselos sa isang malapit na kaibigan ng iyong mahal. Hindi mo magugustuhan ang atensyon na ibibigay niya dito kaya tampo queen ang magiging drama mo. Ito ang sisira sa inyong dalawa kaya iwasan mo ang ganitong drama.

Masuwerteng numero; 6,18,19,29

TUPA (SHEEP)

Masuwerte ka ngayon sa kaibigan. Mataas ang makukuha mong pagtingin mula sa grupo na iyong kinabibilangan at karamihan sa kanila ay magiging ka-close mo. Paninindigan mo ang pagkakakilala nila sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,19,20,30

UNGGOY (MONKEY)

Sa wakas ay maaaprovan na rin mula sa nakatataas ang matagal ng proyekto na isinusulong mo. Hindi man ito ganoon kalaki ay makukuntento ka naman sa magiging resulta nito. Maganda ang intensyon mo kaya magtatagumpay ka.

Masuwerteng numero; 7,11,24,12

TANDANG (ROOSTER)

Matutuon ang atensyon mo sa mga proyektong may kinalaman sa pangangalaga sa komunidad. Wala ito sa hinagap mo. Hindi mo akalaing na magkakaroon ka ng interes sa mga ganitong klaseng proyekto subalit mag-eenjoy ka dito.

Masuwerteng numero; 3,14,15,16

ASO (DOG)

Dahil nalalapit na ang kapaskuhan kaya naman ang sama ng loob mo sa isang tao na malapit sa’yo ay isasantabi mo muna. Mas gusto mong magpokus ngayon sa mga bagay na may kinalaman sa get together ng inyong pamiya.

Masuwerteng numero; 22,26,28,30

BABOY (PIG)

Maaliwalas ang araw na ito para sa’yo. Mananatili sa tabi mo ang iyong partner in life. Walang away na mamamagitan sa inyo at puro sweet moments lang. Ang bonding nyong dalawa ay tatagal ng buong maghapon.

Masuwerteng numero; 7,16,22,23

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.