30.4 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 9, 2024

DAGA (RAT)

Ang bagay na matagal nang nagpapagulo sa isip mo ay mawawala na ngayon. Hindi dahil sa ito ay masosolusyunan na kundi ito ay matatabunan ng bagong isyu sa iyong buhay at ito ang siyang haharapin mo ngayon.

Masuwerteng numero; 57,67,68,72

BAKA (OX)

Magiging aligaga ka sa pag-aasikaso sa ilang mahahalagang dokumento na may kinalaman sa matatanggap mo sa hinaharap. Kinakailangan mo itong maayos sa lalong madaling panahon o mawala ng parang bula ang iyong inaasahan.

Masuwerteng numero; 19,20,25,32

TIGRE (TIGER)

Ang sigalot sa pagitan ninyong magkakapatid ay mapag-uusapan ngayong araw. Hindi man ito magkaroon ng solusyon agad-agad ay mararamdaman mong ito na ang magiging simula ng inyong unti-unting pagkakaayos.

Masuwerteng numero; 17,20,22,26

KUNEHO (RABBIT)

Dahil hindi mo kayang nalulungkot ang iyong kapareha ay maghahanda ka ng isang sorpresa para sa kanya. Iisipin mo na malaki ang maitutulong nito para mapagaan ang kalooban niya na pakiramdam mo ay napakabigat sa ngayon.

Masuwerteng numero; 38,39,48,50

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo matatapos sa isang araw lang ang dami ng trabaho na tinanggap mo. Kakailanganin mo pa ng ilang araw bago mo ito tuluyang matapos at kakailanganin mo rin ng tulong mula sa pinagkakatiwalaang tao.

Masuwerteng numero; 11,13,24,25

AHAS (SNAKE)

Daig ng maagap ang taong masipag. Iyan ang motto na kinasanayan mo na. Pero mukhang mabibigo ka sa pagkakataong ito kung iyan pa rin ang susundin mo. Dapat sa una pa lang ay ipakita mo na ang iyong kasipagan kung ayaw mong masulot ng iba ang promosyon mo.

Masuwerteng numero; 18,23,27,37

KABAYO (HORSE)

May mababago sa pakikitungo sa’yo ng isang tao na malapit sa puso mo. Mahalagang malaman mo ang kanyang dahilan pero hindi pa ito ang tamang araw para matuklasan mo ito. Kakailanganin mo pang maghintay ng tamang pagkakataon para makausap siya.

Masuwerteng numero; 32,43,47,59

TUPA (SHEEP)

Kulang ang buhay mo kapag wala siya sa tabi mo. Pero wala kang magagawa kundi hayaan siya na tuparin ang kanyang pangarap. Sa araw na ito ay magsisimula na ang iyong kalungkutan sa oras ng kanyang pag-alis.

Masuwerteng numero; 27,30,31,42

UNGGOY (MONKEY)

Magiging masaya ang bawat sandali na kasama mo siya sa araw na ito. Kahit paminsan minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon ay labis mo itong ikatutuwa at magiging memorable ito pareho para sa inyo.

Masuwerteng numero; 14,20,36,39

TANDANG (ROOSTER)

Smooth sailing ang magiging takbo ng iyong negosyo para sa araw na ito. Mananatiling balanse ang iyong kita sa bawat oras na lilipas. Kung nais mo na magkaroon ng pag-angat ay kakailanganin mong umisip ng bagong diskarte.

Masuwerteng numero; 9,10,12,15

ASO (DOG)

Ngayon na ang tamang panahon para magdesisyon ka kung sino ang napipisil mong pumalit sa pwestong iiwanan mo. Kung hindi mo pa ito gagawin sa ngayon ay baka maunahan ka sa pagpili sa tao na mas karapat dapat.

Masuwerteng numero; 7,8,12,23

BABOY (PIG)

May malalaman kang lihim tungkol sa iyong kamag-anak. Pero wala ka sa posisyon para isiwalat ito kaya dapat mong kontrolin ang iyong sarili. Irespeto mo ang karapatan ng iyong kamag-anak na magdesisyon para sa sarili niya.

Masuwerteng numero; 25,45,56,65

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.