26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 5, 2024

DAGA (RAT)

May darating ngayong araw na siyang magiging tugon sa mahigpit na pangangailangan mo sa budget. Kaya kahit papa’no ay mababawasan ang iyong pangamba na wala ka nang madudukot sa iyong wallet o bulsa.

Masuwerteng numero; 5,8,18,20

BAKA (OX)

May kapupuntahan ang perang pinaghirapan mo. Sa mabuting kamay ito mapupunta kaya naman wala ka dapat na ipag-alala. Ang pangamba mo na mai-scam ka ay hindi mangyayari, sa halip ay ikatutuwa mo ang resulta nito.

Masuwerteng numero; 9,19,20,22

TIGRE (TIGER)

Sa araw na ito ay mas pipiliin mong manahimik sa loob ng bahay. Kahit pa kaliwa’t kanan sa mga kaibigan mo ang mag-aya sa’yong lumabas ay wala kang sasamahan maski isa sa kanila. Wala ka talaga sa mood para lumabas.

Masuwerteng numero; 35,40,41,50

KUNEHO (RABBIT)

Poproblemahin mo ang isang okasyon na dadaluhan. Hindi ka ka kasi nakapag-prepared para rito dahil sa sobra mong kaabalahan sa trabaho. Gayunpaman, pipilitin mo pa ring makarating dahil ayaw mong sumama ang loob ng nag-imbita sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,9,10,11

DRAGON (DRAGON)

Isang tao na malapit sa puso mo ang makakapagpasama ng loob mo ngayong araw. Ito ay may kaugnayan sa pabor na hinihingi mo sa kanya na hindi niya maibibigay sa’yo kahit alam mo naman na kaya niya.

Masuwerteng numero; 13,15,16,30

AHAS (SNAKE)

Ikatutuwa  mo ang ipapakitang effort ng isang kamag-anak para sa’yo. Hindi mo ito inaasahan mula sa kanya dahil meron kayong naging malalim na hindi pagkakaunawaan dahil sa pera. Pero ngayon ay siya na mismo ang lalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,12,14,15

KABAYO (HORSE)

Ikaiirita mo ang pagkaudlot ng isa sa iyong mga plano dahil lang sa kapalpakan ng iba. Gayunpaman ay hindi mo pwedeng ipakita ang galit mo dahil hindi mo rin naman gugustuhin na maapektuhan ang iyong buong grupo.

Masuwerteng numero; 52,53,57,68

TUPA (SHEEP)

Ang hindi magandang salita na maririnig mo mula mismo sa iyong kapamilya ay papasok lamang sa isang teynga mo at lalabas sa kabila. Ito ay para na lamang sa katahimikang nais mo dahil alam mo na ang mangyayari kung papatol ka pa.

Masuwerteng numero; 35,39,45,46

UNGGOY (MONKEY)

Kahit pakiramdam mo ay wala ng pag-asa na mabalik pa sa’yo ang isang oportunidad ay sisikapin mo pa rin na maging positibo. Ipapaubaya mo na lang muna sa Diyos ang kahihinatnan nito habang ang atensyon mo ay ipopokus mo muna sa kasalukuyang trabaho.

Masuwerteng numero;n 10,11,20.32

TANDANG (ROOSTER)

Malaya kang magagawa ang gusto mo ngayon dahil tahimik ang iyong paligid. Pansamantalang mawawala sa paningin mo ang mga tao na nagbibigay sa’yo ng stress kaya naman sa araw na ito ay makakahinga ka ng maluwag.

Masuwerteng numero; 63,68,69,77

ASO (DOG)

Ang karelasyon mo mismo ang magsasabi sa’yo na mali ang iyong ginagawa. Dapat mo siyang pakinggan at sundin kung ayaw mo na malagay sa alanganing sitwasyon. Kung paiiralin mo pa rin ang katigasan ng ulo ay siya na rin mismo ang susuko sa’yo.

Masuwerteng numero; 71,75,80,84

BABOY (PIG)

Magiging maganda ang takbo ng bawat oras sa negosyo sa araw na ito. Umaga pa lang ay mararamdaman mo na agad ang kapositibuhan ng buong maghapon. Kaya naman ang pakiramdam mo ay maalwan at magaan hanggang gabi.

Masuwerteng numero; 16,28,34,38

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.