25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Online Horoscope Pebrero 5, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Maliwanag ang nakasulat sa aklat ng kapalaran, “Suwerte ka ngayon!” At dapat alam mo ang ginagawa ng mga taong sinusuwerte? Alam mo ba? Ibinabahagi ang suwerte sa iba, upang ang suwerte at magandang kapalaran ay manganak ng manganak at lalo pang dumami ng dumami. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 9, 14, 25, 32, 37, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw upang ilabas at isuot mo ang paborito mong damit. Dahil ito mismo ang magiging pampasuwerte mo sa lahat ng bagay. Kapag suot mo ang damit na ito, bukod sa maraming suwerte, darating din ang magagandang kapalarang hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 3, 16, 12, 26, 33, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Mag-iisip ka na naman ng pagkakagastusan at maghahanap ka  ng taong makakasama mo sa pagpapasarap. Sa bagay, okey lang, dahil siya ang taong saya ang iyong nakukuha kapag kasama mo siya at nakawawala ng problema. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  3, 12,  18, 24, 27,  39.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Higit sa inaasahan mo ang magaganap. Kung umaasa ka ng isa, ito ay magiging dalawa. Kung umaasa ka ng galak, sobrang ligaya ang darating. Kaya wag na wag kang mag-iisp ng hindi maganda, dahil higit pa sa negatibong iniisip mo ang maaaring maganap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 3, 15, 21, 37, 42, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Kapag ang baso ay punong-puno, wala ng mailalagay na anumang laman dahil tatapon ang tubig. Alisin mo ang sama ng loob at hinanakit sa iyong puso, upang ang iyong buhay ay masidlan ng suwete at magandang kapalaran na magdudulot sa iyo ng panibagong galak, lalo na sa panahong itong malapit na ang araw ng mga pusong nagmamahalan.  Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 4, 15, 23, 37, 41, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Muling magaganap sa buhay mo ang pagdapo ng hindi lang isang suwerte. Dahil ang laging mapupunta sa iyo ay higit sa isa, na ibig sabihin ay marami. Sa pag-ibig ay ganon din, hindi lang isa, higit sa isa ang darating.  Kaya kapag sinuwerte ka sa pera tiyak na maraming-marami rin. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 15, 25, 32, 36, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Medyo mataba ka ngayon. Pero hindi ka dapat mag-alala, dahil ang mga taong tumataba, tumataba rin ang laman ng bulsa. Kung magnenegosyo ang mga taong matataba, lalong darami ng darami ang kanilang pera. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  9, 17, 20, 37, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung ano ang iyong inaayawan, yon mismo ang pagmumulan ng mga suwerte mo sa buhay. Ito ang lihim ng iyong kapalaran na sa kasalukuyan at patuloy na iiral. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 4, 8, 13, 27, 31, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Maghahangad ka ng malaki at higit pang mas malaki sa hinahagad mo ang mapupunta sa iyo. Sapagkat ang araw na ito ay tatawaging “Panahon mo upang palakihin pa ng palakihin ang bawat biyayang dumarating at darating pa sa ‘yo” Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  4, 16, 25, 34, 43, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang iba ay sinusuwerte kahit walang ginagawa, kaya nauubos din ang kanilang suwerte dahil sa katamaran. Ang sa iyo ay kakaiba, dahil patuloy kang nagsisikap at nagsisipag, ikaw mismo ang suwerte. At ang mga suwerte mong ito ay hindi na aalis at hindi na mawawala sa iyo kahit kalian, lalo pa itong darami ng darami at madodoble ng madodoble, na mamamana pa ng iyong mga anak, ng iyong mga apo at ng susunod pang mga henerasyon. At habang buhay na pagpapalain ng langit ang iyong lahi. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 5, 13, 23, 31, 40 at 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Aalisin sa iyo ng langit ang mga taong akala mo ay tunay kang mahal, pero sinasamantala  lang nila ang iyong kabaitan. Bukod sa sinasamantala ka,  may mga responsabilidad sila na sa iyo ipinapapasan. Ang kabaitan mo naman ay hindi mo dapat alisin sa iyong buhay dahil darating ang araw malaking gantimpala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1, 19, 20, 32, 39, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kailangang lumakad ka ngayon. Ibig sabihin hindi puwedeng nasa bahay ka lang. Dahil sa iyong paglalakad, habang may kakaibang imbay at galaw ang iyong katawan, ang mga galaw mong iyan, ay ang sasagap at hihigop ng suwerte at magaganndang kapalaran.   Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 18, 29, 35, 38, 40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.