27.2 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 4, 2024

RAT (DAGA

May mga bagay kang kailangang maintindihan kaugnay sa iyong karelasyon. Malalaman mo ang mga ito ngayong araw. Kakailanganin mong lawakan ang pang-unawa mo sa kanya kung nais mo na magpatuloy ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 5,16,17,22

BAKA (OX)

Hindi makakatulong sa’yo at sa iyong pamilya kung patuloy mong itataas ang iyong pride. Sa halip ay makakasagabal lang ito sa inyong pag-unlad. Pero sadyang may katigasan ang iyong ulo at ito pa rin ang paiiralin mo.

Masuwerteng numero; 8,18,20,30

TIGRE (TIGER)

Isang bisita ang darating at magpapabago ng iyong desisyon na may kinalaman sa iyong kasalukuyang trabaho. Dahil sa kanya ay hindi mo na itutuloy ang balak na pagreresign na siyang dapat mong gawin alang-alang sa mga umaasa sa’yo.

Masuwerteng numero; 35,38,41,44

KUNEHO (RABBIT)

Isang malaking blessing ang mapapasakamay mo ngayong araw pero hindi mo agad ito mapapansin. Dahil ang blessing na ito ay naka-disguise. Gayunman, ito ay sadyang laan sa’yo kahit na ano pa ang mangyari.

Masuwerteng numero; 7,10,11,21

DRAGON (DRAGON)

Makakaramdam ka ng kaba dahil sa hindi pagpaparamdam ng iyong mahal. Mangangamba kang maulit muli ang dating hindi niya pagpaparamdam dahil meron na siyang ibang kinahuhumalingan. Ang araw na ito ay walang kapanatagan para sa’yo.

Masuwerteng numero; 20,25,26,31

AHAS (SNAKE)

Hindi matitinag ang plano mong pagbibiyahe sa malayo. Kahit pa anong pigil sa’yo ng mga mahal mo sa buhay ay mananatiling buo ang desisyon mo. Sa tingin mo ay ito ang nararapat mong gawin para sa ikabubuti ng lahat.

Masuwerteng numero; 50,59,63,69

KABAYO (HORSE)

Ang inaasam mong promosyon sa trabaho ay mauudlot ngayong araw. Pero wala kang dapat ipag-alala. Isipin mo na lang na kung ito ay para sa’yo, mangyayari at mangyayari ang nais mo. Sa tamang panahon mapapasaiyo ito.

Masuwerteng numero; 8,19,23,26

TUPA (SHEEP)

Kakailanganin mo ngayong maghigpit ng sinturon dahil sa dami ng gastusin na nakaamba sa’yo. Sa ganitong sitwasyon ay alam mo na kung paano paplanuhin ang tamang pagba-budget dahil naranasan mo na.

Masuwerteng numero; 45,46,52,57

UNGGOY (MONKEY)

May mare-realize ka ngayong araw na ito tungkol sa iyong buhay pag-ibig. Dahil hindi ka na bumabata ay alam mo na ngayon kung ano ang dapat mong gawing prayoridad sa inyong relasyon. Malaki ang maitutulong nito sa pagpapatuloy ng inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 16,19,22,29

TANDANG (ROOSTER)

May problema kang kakaharapin ngayong araw na may kaugnayan sa iyong anak. Sa mga ganitong pagkakataon ay kakailanganin mong pairalin ang pagiging magulang . Ang pagkunsintis a kanya ay hindi makakatulong.

Masuwerteng numero; 26,30,35,36

ASO (DOG)

Hindi mababawasaan ang iyong pagkatao kung ikaw ay magpapakumbaba sa tao na nagawan mo ng kamalian. Sa halip, ang pagpapakumbabang ito ang siyang magtataas sa’yo sa paningin ng ibang tao at iba pang senaryo.

Masuwerteng numero; 1,3,12,14

BABOY (PIG)

Isang kaibigan ang magpapabago ng iyong desisyon sa pakikipagrelasyon sa hindi tamang tao. Siya ang magmumulat sa’yo sa hindi magandang senaryo ng buhay na maaari mong kaharapin kung ipagpapatuloy mo ito.

Masuwerteng numero; 19,21,24,27

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.