26.5 C
Manila
Monday, July 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 3, 2024

DAGA (RAT)

Magiging madali lang sa’yo na gawin ang isang bagay kung meron kang makakatulong. At iyon ang mangyayari ngayon. Kaya wala ka ng dapat ipag-alala dahil may magvovolunteer para tulungan ka sa binabalak mong gawin.

Masuwerteng numero; 8,10,12,21

BAKA (OX)

Ang pag-aatubili mong lumapit sa isang kamag-anak para humingi ng tulong ay masosolusyunan na ngayon. Hindi ka mabibigo tulad ng iyong inaakala. Kailangan mo munang subukan bago mo siya husgahan.

Masuwerteng numero; 17,20,22,23

TIGRE (TIGER)

Wala kang magagawa sa problema ng iyong mga kaibigan kung ang sarili mong problema ay hindi mo nabibigyan ng atensyon para masolusyunan. Kailangan mo munang magawan ng paraan ang iyong problema bago mo gawan ng paraan ang sa iba.

Masuwerteng numero; 7,12,14,30

KUNEHO (RABBIT)

Walang katumbas ang pagmamahal ng magulang kaya hindi mo pagsisisihan ang ginagawa mo ngayong pagtulong sa kanila nang walang hinihinging kapalit. Ang mga ginagawa mo at gagawin mo pa ay susuklian din sa’yo ng kapalaran balang araw.

Masuwerteng numero; 1,12,17,29

DRAGON (DRAGON)

Mapupuno ka ng pag-aalinlangan sa pagsunod sa plano ng iyong mahal. Hindi dahil sa wala kang tiwala sa kanya kundi dahil may nakikita kang mas magandang plano kaysa sa kanya. Panindigan mo kung ano sa tingin mo ang tama.

Masuwerteng numero; 5,16,18,25

AHAS (SNAKE)

Malaki ang magiging improvement mo ngayon sa trabaho kaya naman mapapansin ka ng iyong boss. Pero hindi lang ang boss mo ang makakapansin sa’yo kundi maging ang mga kasamahan mo sa trabahong wala pang tiwala sa kakayahan mo.

Masuwerteng numero; 6,16,24,28

KABAYO (HORSE)

Ang tao na dati ay walang halaga sa’yo ngayon ay mapagtutuunan mo ng atensyon. Ang maganda niyang ipinakita at ipapakita pa sa’yo ang magiging dahilan kung bakit mapapalapit ang loob mo sa kanya kahit na ayaw mo.

Masuwerteng numero; 3,15,18,22

TUPA (SHEEP)

Kakasihan ka ngayon ng tadhana pagdating sa iyong negosyo. Hindi man tulad ng inaasahan mo ay makukuha mo pa rin ang magandang benta at matitinong customers. Kahit papa’no ay mapapanatag ka na.

Masuwerteng numero; 4,15,26,30

UNGGOY (MONKEY)

Isang tao ang magkakaroon ng lihim na paghanga sa’yo. Magagawa niyang magparamdam subalit hindi niya magagawang ipagtapat ang tunay niyang nararamdaman kaya naman mananatiling palaisipan sa’yo ang kanyang damdamin.

Masuwerteng numero; 6,17,18,21

TANDANG (ROOSTER)

Kagagaanan mo ng loob ang isang tao na hindi mo pa masyadong kilala. Kahit pa maraming tao sa paligid mo ang hindi natutuwa sa kanya ay mas mananaig sa’yo ang magandang katangian na makikita mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 1,3,24,26

ASO (DOG)

Malakas ang positibong pwersa ngayon sa paligid mo kaysa negatibo kaya wala kang masyadong dapat ipag-alala. Maaari mo na munang isantabi ang mga alalahanin mo sa problema. Ang kailangan mong gawin ay magrelax para may lakas ka bukas.

Masuwerteng numero; 7,18,20,22

BABOY (PIG)

Magiging abala ka sa mga gawaing bahay na nakatoka sa’yo ngayon. Hindi ka makakaramdam ng masyadong pagod dahil malilibang ka sa mga lumang gamit na magpapaalala sa’yo sa magagandang alaala ng nakaraan.

Masuwerteng numero; 9,10,11,28

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.