32.3 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 23, 2024

DAGA (RAT)

Ito na ang tamang pagkakataon para sabihin mo sa iyong mga mahal sa buhay ang nararamdaman mo para sa isang mahalagang usapin na may kinalaman sa inyong pamilya. Kung paiiralin ang takot ay lalo lamang lalaki ang problema.

Masuwerteng numero; 15,25,27,30

BAKA (OX)

May madaragdag na miyembro sa inyong pamilya. Siya ang magbibigay ng pag-asa sa gitna ng mga problemang pinagdaraanan nyo ngayon. Sikapin na mapangalagaan siya at maibigay ang kanyang mga pangangailangan.

Masuwerteng numero; 42,43,54,56

TIGRE (TIGER)

Hindi masamang ipaglaban ang alam mong tama. Subalit kung madadamay na ang iyong pamilya ay dapat mo na itong pag-isipan. Kailangan mong humanap ng ibang paraan upang maipaglaban ang pinaniniwalaan mo.

Masuwerteng numero; 16,20,22,27

KUNEHO (RABBIT)

Huwag gawing batayan ang sinabi ng iba para manghusga ka na rin ng iyong kapwa. Dapat mong alamin ang totoo at anuman ang nasa likod nito ay wala ka pa ring karapatan na siya ay husgahan lalo’t siya ay dati namang malapit sa puso mo.

Masuwerteng numero; 9,10,13,14

DRAGON (DRAGON)

Sa wakas ay makukumbinsi mo na rin ang isang kaibigan na pumanig sa’yo. Mahalaga sa’yo ang kanyang opinyon. Pinakikinggan mo rin ang kanyang mga payo kaya magiging mabuti siyang impluwensya sa’yo kung magiging kapanalig mo.

Masuwerteng numero; 4,7,9,10

AHAS (SNAKE)

Kung nais mo na lumago ang iyong negosyo ay dapat mo itong pagbuhusan ng atensyon. Dapat ka ring maging maluwag sa paghawak ng pera dahil anuman ang lumipad mula sa kamay mo ay babalik ito ng doble sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,2,7,8

KABAYO (HORSE)

Ipagpatuloy mo lang ang positibong mong pagtingin sa buhay sa kabila ng mga kinakaharap mong problema ngayon. Ang maganda mong pagtanggap sa mga suliraning dumarating ang siya ring magiging susi ng solusyon nito.

Masuwerteng numero; 40,41,42,50

TUPA (SHEEP)

Kung hindi mo na kaya ay okay lang na humanap ka ng tao na masasandalan. Piliin mo lamang ang tao na pagkakatiwalaan mong hingahan ng sama ng loob. Dahil sa oras na magkamali ka, madaragdagan lang ang iyong problema.

Masuwerteng numero; 31,33,37,45

UNGGOY (MONKEY)

May isang bago kang tagahanga ngayon. Labis niyang hahangaan ang iyong mga gawa. Magkakaroon lang siya ng panghihinayang dahil ikaw ay pag-aari na ng iba subalit sa kabila nito ay hindi mababawasan ang paghanga niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 14,15,16,17

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na itama ang nagawa mong pagkakamali sa isang miyembro rin ng iyong pamilya. Huwag mo ng sayangin ang pagkakataon na ito dahil ito ang magsasara sa namuo ninyong hidwaan.

Masuwerteng numero; 63,68,79,81

ASO (DOG)

Matutuloy na ang pagkikita nyo ng isang kaibigan. Sa wakas ay mabibigyan nyo na rin ng katuparan ang matagal nyo ng plano. Ang buong maghapon ay lilipas na walang stress at sa halip ay puro saya lang sa piling ng isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 6,7,11,19

BABOY (PIG)

Ikaw pa rin ang uunawa sa iyong mahal dahil sa kanyang pinagdaraanan. Wala kang choice kundi habaan pa ang iyong pasensya sa ngayon. Sa halip na awayin siya ay mas makakabuti kung lalawakan mo pa ang iyong pang-unawa dahil babalik din siya sa dati.

Masuwerteng numero; 10,15,20,25d

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.