26.8 C
Manila
Friday, July 26, 2024

Online Horoscope Pebrero 23, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na may mahuhulog mula sa langit. Huhulugan ka ng mga biyaya at pagpapala na dapat mong ipagpasalamat. Bilang ganti sa lahat ng tatamuin mong suwerte at magagandang kapalaran sa panahong ito ng iyong buhay, ibahagi mo ang ilan sa mga taong naghihirap. Sa gayang paraan patuloy kang pagpapalain ng langit. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 16, 24, 33, 39 at 42. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nasobrahan yata ang iyong pananahimik dahil makikitang mas gusto mo na ikaw ay nag-iisa at walang kasama. Hindi maganda ang ganito, kaya makipagkuwentuhan ka sa isang kaibigang may katamtamang pangangatawan, siya ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1, 13, 22, 27, 31, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Matamis na salita ang dapat mong bigkasin sa ngayon. Alalahanin mong lagi na madaling naaakit ang mga langgam sa matatamis na asukal. Ganon din ang gawin mo, tamisan mo ang salita sa sinumang lalapitan at hihingan mo ng pabor. Kapag nagawa mo yan, kahit na ang taong napakahirap lapitan ay hinding-hindi sa iyo makatatanggi. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 16,  23, 35, 42, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang pangako ng puso ay hindi dapat suwayin. Anuman ang ipinangako mo sa iyong mga mahal sa buhay,  tuparin mo. Dahil tulad ng paulit-ulit na nakatala sa aklat ng iyong kapalaran: “Patuloy na darating ang mas marami pang suwerte, habang ikaw ay nagma-mahal.” Oo habang ikaw ay umiibig lalo na sa iyong mga kapamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo, tuloy-tuloy kang susuwertehin. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 10,  21, 30,  33, 44. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi puwedeng magsama ang hanging habagat at ang hanging amihan dahil magkaiba sila ng direksyon. Hindi mo dapat ipilit ang iyong gusto at ang iyong katuwiran sa ibang tao na ayaw maniwala sa iyo. Hayaan mo sila sa kanilang paniniwala. Habang ikaw,  patuloy mo lang gawin ang alam mong tama. Sa ganyang paraan, uunlad ka ng uunlad, habang sila na hindi naniniwala sa iyo, ay  maiiwan mo ng  milya-milya sa kangkungan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  9, 12, 24, 36, 41, 45.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag kulimlim ang panahon, nagiging kulimlim din ang kapalaran ng iba. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kapag kulimlim ang panahon, medyo maulap ang langit at bahagyang umaambon. Ito ang pinaka-paborableng araw sa iyo.  Gawin mo ang lahat ng mga bagay na mataagl mo ng pangarap gawin, at makikita mo, magkakaroon agad-agad ng magandang katuparan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 34, 39, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Huwaran sa kasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong taglay, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong  nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at  magagandang kapalarang darating sa iyo ng hindi mo inaasahan.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 8, 17, 26,  38,  41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Itutok mo ang iyong isip at katawan sa trabaho upang malayo ka sa mga tukso. Kung sakaling mapalapit sa iyo ang tukso, turuan mo rin siya na maging abala sa kanyang trabaho. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  6, 17, 24, 36, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Mabigat ang problema ng iba. Wala silang kapera-pera at halos kulang pa sa pagkain ng pamilya ang hawak nilang budget. Kulang na nga, may mga obligasyon pang dapat na bayaran. Pero ang sa iyo ay kakaiba, ang pinoprolema mo ngayon ay kung saan department store kumbinyenteng mamili at kumain ng masarap. Kaya anumang biyaya ang nasa sa iyo na sa ngayon, matututo kang magpasalamat at ibahagi mo sa iba ang ilang sa iyo ay sosobra.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 18, 27, 33, 39, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kailangang maging produktibo ka upang ang suwerte at magandang kapalaran ay masigla ring dumapo sa iyo. Unahin mo ang madadaling proyekto na iyong nasa isip at isnunod mo na lang ang matatagal at medyo mahirap gawin. At umasa kang sa bandang huli ay magagawa mo naman ang lahat ng ito. Mapalad na kulay ang white.  Masuwerteng numero 1, 11,  29, 32, 40, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kumustahin mo ang isang tao na matagal mo ng hindi nakakausap. May magandang oportunindad siyang ibabalita sa iyo na pareho ninyong ikatutuwa at ikauunlad. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 9, 24, 36, 42, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi ba’t sabi mo, maligaya ka na kapag maligaya ang mga mahal mo sa buhay? Kahanga-hanga ang iyong kababaang loob at dahil dito kikilos ang mapagpalang kamay ng langit at ikaw ay huhulugan ng napakaraming mga suwerte at biyaya na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 19, 25, 29, 34, 40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.