32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 20, 2024

DAGA (RAT)

May mga gusto kang malaman sa araw na ito tungkol sa isang mahalagang bagay tungkol sa iyong pamilya. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para makuha mo ang kasagutan sa mga tanong mo. Kailangan mo pang maghintay.

Masuwerteng numero; 15,20,21,24

BAKA (OX)

Hindi mo maiiwasan na makadama ng pagseselos sa iyong mahal. Pakiramdam mo ay masyado nang napapalapit ang loob niya sa isang tao na pareho ninyong kaibigan. Ang isiping ito ang hindi magpapatahimik sa’yo.

Masuwerteng numero; 34,38,44,46

TIGRE (TIGER)

Hindi mo gusto na mas pinapaboran ng asawa mo ang kanyang mga kamag-anak kaysa sa inyong pamilya. Pero wala kang magagawa. May mga pagkakataon talaga na mas magiging matimbang siya sa mga ito.

Masuwerteng numero; 10,11,13,17

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng hindi maganda sa katawan at hindi mo ito dapat balewalain. Sa lalong madaling panahon ay kailangan mong magpatingin dahil malapit ka sa isang seryosong sakit. Ingatan ang sariling kalusugan.

Masuwerteng numero; 8,18,19,30

DRAGON (DRAGON)

Kung dati ay puro pasensya ka lang sa isang tao na laging nagbibigay ng stress sa’yo, ngayon ay makakatikim na siya ng hindi magagandang salita mula sa’yo. Hindi mo maiiwasan na makapagbitaw nito dahil sa sobrang stress na rin.

Masuwerteng numero; 6,10,12,13

AHAS (SNAKE)

Masaya ang maghapong lilipas sa piling ng iyong mga kaibigan. Sa wakas ay matutuloy na rin ang bonding na matagal nyo nang idinodrowing. Sa araw na ito ay masusulit nyo ang kasiyahang bihira lamang mangyari.

Masuwerteng numero; 52,57,60,61

KABAYO (HORSE)

Magkakaroon ka ng pagkakataon para baguhin ang iyong naunang desisyon na may kinalaman sa trabaho. Isang chance na lang ito kaya kailangan mo munang pag-isipan ng isangdaang beses hangga’t maaari upang hindi magkamali.

Masuwerteng numero; 28,30,33,35

TUPA (SHEEP)

Hindi masamang magbigay ng payo, pero kung alam mo naman na meron din itong hindi magandang epekto sa iyong pinapayuhan ay mas makakabuti pang manahimik ka na lang at ayusin ang sarili mong problema.

Masuwerteng numero; 66,69,79,80

UNGGOY (MONKEY)

Ikakabigla mo ang sikretong sasabihin sa’yo ng isang malapit na kaibigan. At the same time ay ikakalungkot mo rin ito. Isa itong malaking pagbabago na magaganap sa inyong kasalukuyang pinagtatrabahuhan.

Masuwerteng numero; 40,42,51,60

TANDANG (ROOSTER)

Isang bagong pag-ibig ang sisibol. Mahihirapan kang kontrolin ang iyong sarili dahil masyadong malakas ang magiging pwersa ng tawag ng puso. Wala kang magagawa kundi ito ay hayaan na umusbong sa paraang gusto ng tadhana.

Masuwerteng numero; 10,19,20,30

ASO (DOG)

Maganda ang magiging takbo ng iyong negosyo sa araw na ito. Smooth sailing ang bawat oras na lilipas kaya wala kang dapat ipag-alala kahit nasa malayo ka. Hindi ka nagkamali ng iyong mga piniling tao na pagkatiwalaan.

Masuwerteng numero; 13,24,26,37

BABOY (PIG)

Mararamdaman mo ngayon ang labis na kagipitan. Ito ang bunga ng paggastos mo ng walang humpay nitong mga nakaraang araw. Dapat lang na maging aral na sa’yo ito. Lagi mong isipin ang halaga ng bawat sentimo.

Masuwerteng numero; 23,24,34,36

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.