30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Online Horoscope Pebrero 20, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Isang magandang kapalaran ang biglang dadapo sa iyo. Ito ay hindi mo dapat pagpagin. Dahil habang pinapagpag mo ito, ito ay kusang darami. Panatiliin mo ang pagiging mabuti mo at matulungin, upang ang suwerteng ito ay manatili na sa iyo habang buhay.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  25, 29,  31, 41. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi puwede sa iyo ang nanamlay na para bang pasan mo ang napakabigat na mundo. Panahon na upang wakasan ang kalungkutan.  Ngayong araw na ito, dadalan ka ng suwerte at magandang kapalaran ng langit, ito ang magbibigay sa iyo ng bagong saya at ligaya. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 19, 23, 32, 35, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang nauuna kapag tumigil ay nauunahan ng nasa ikalawa. Wag kang titigil at wag kang mag-alala, nakikita ng nasa itaas ang mga pagsisikap at pagsisipag mo. Malapit na malapit na ang langit mismo ang kikilos para sa iyo. Kapag nangyari na yon, hindi ka gaanong mahihirapan, ang suwerte at magandang kapalaran na mismo ang kusang papaloob sa buong buhay mo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  7, 18,  25, 34, 40, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tinatalian ang saranggola upang wag makawala sa kalangitan. Hindi mo rin dapat pakawalan ang suwerte at magandang oportunidad na dumarating. Wag kang matakot at dapat lang na magtiwala ka sa iyong sarili. Kaya nga  upang hindi makawala ang suwerte at magandang kapalaran, sunggab lang ng sunggab sa bawat magagandang oportunidad na dumarating.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 14,  28, 32, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ito ang araw na tuloy-tuloy ang suwerte mo. Wag mong ipagdamot sa mga malalapit sa iyo, bahaginan mo sila ng sa ganon ay masabi mismo ng mga bibig nila na ikaw ay iba sa lahat, na ikaw ay likas na mapagbigay at matulungin. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 4, 11, 25,  38,  41, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang masuwerteng araw para sa iyo upang maglinis ng bahay. Pero may isang bagay na kailangan mong isagawa. Panatiliin mong bukas ang bintana sa gawing silangan, upang dito pumasok ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 16, 17, 27, 39, 40.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Kung ang iba ay nagsisikap upang maabot ang kanilang mga pangarap, pero bigo pa rin sila, ang sa iyo ay kakaiba. Kahit hindi ka mag-sikap, basta lagi ka lang “in love at may galak sa iyong puso”,  susuwertehin ka na at kusang darating sa iyong ang katuparan ng lahat ng iyong mga pangarap. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  6, 14, 22, 24, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Dahil 2-20-2024 ang petsa ngayon, magugulat ka dahil mag-iibayo ang iyong sigla. Palatandaang mag-iibayo rin ang pagdating ng iyong suwerte at magandang kapalaran. Ipamahagi mo ito sa iba, dahil ang isa pang magandang balita, habang ipinamamahagi mo sa iba ang suwerte ito ay parang mga langgam sa natapong asukal sa mesa, mabilis itong darami.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 18, 21, 33, 41, 45. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Dahil kakaiba ang petsa sa ngayon, 2-20-2024, walang pagdududa, aagos na ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong  karanasan, na gugulat sa mga taong malalapit sa iyo at sa mga kasama mo sa bahay. Walang kang dapat gawin kundi ang balatuhan mo silang lahat, upang magpatuloy pang dumami at lumakas ang agos ng suwerte at magandang kapalaran hangang sa mapuno ang inyong bahay.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 18, 26, 29, 33, 40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.