33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 18, 2024

DAGA (RAT)

Hindi ka makukuntento sa magiging resulta ng sarili mong gawa. Kaya naman ang araw na ito ay ilalaan mo sa pagrerebisa ng iyong trabaho. Marami kang bagong ideya na maidadagdag para sa ikagaganda nito.

Masuwerteng numero; 6,7,9,11

BAKA (OX)

Malaki ang posibilidad na ma-involve ka sa isang tao na may kumplikadong buhay. Kahit alam mo nang madadamay ka lang sa gulo ng kanyang buhay ay mas mataas pa rin ang tsansa na kumagat ka sa kanyang pain.

Masuwerteng numero; 15,20,25,31

TIGRE (TIGER)

Hindi ka magdadalawang isip na pagbigyan ang kahilingan ng isang kamag-anak. Ito ay dahil sa utang na loob na tinatanaw mo sa kanya. Kahit pa na ang kanyang kahilingan ay maaaring maglagay sa’yo sa hindi magandang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 48,49,55,57

KUNEHO (RABBIT)

Kahit nung una ay desidido ka na sa iyong pasya na may kinalaman sa iyong buhay pag-ibig, ngayon ay bigla kang magkakaroon ng pagdadalawang isip. Kaya naman kakailanganin mo pa na pag-isipan ulit ito bago ang iyong huling pagpapasya.

Masuwerteng numero; 19,22,25,30

DRAGON (DRAGON)

Ang inaabangan mong sorpresa nitong nakaraang araw ay darating sa’yo sa araw na ito. Sa wakas ay matatapos na rin ang iyong paghihintay. Ang ine-expect mong sorpresa mismo ang siya mong makakamtan.

Masuwerteng numero; 53,54,62,67

AHAS (SNAKE)

Tuloy lang ang pagdating ng mga blessings para sa’yo. Ito ang ganti sa’yo ng langit dahil sa walang sawa mong pagtulong sa iyong kapwa. Ang kabutihan na ipinakita mo sa kanila ay bukal sa iyong puso kaya susuklian ka ng langit.

Masuwerteng numero; 10,12,13,14

KABAYO (HORSE)

Malas ka ngayon sa kaibigan dahil ikaw ay mapapaligiran ng mga taong peke. Karamihan sa nagsasabing kaibigan mo ngayon ay hindi tunay . Dapat mong malaman na kung sino pa ang inaakala mong peke ang siya lamang tunay sa’yo.

Masuwerteng numero; 17,28,29,30

TUPA (SHEEP)

Iwasan mo muna ang magbibiyahe sa araw na ito. Malapit ka sa disgrasya. Mas makakabuti kung ikaw ay pansamantalang mananahimik sa loob ng inyong tahanan. Maraming makabuluhang bagay ka pang magagawa rito.

Masuwerteng numero; 15,27,32,39

UNGGOY (MONKEY)

Aanihin mo na ngayon ang bunga ng iyong mga pinaghirapan nitong mga nakaraang buwan pa. Ang matagal mong paghihintay ay may magandang resulta na labis mong ikatutuwa. Huwag kalimutan na magpasalamat sa taas.

Masuwerteng numero; 65,68,72,73

TANDANG (ROOSTER)

On the way na ang taong hinihintay mo na magkakaroon ng malaking bahagi sa buhay mo. Siya ang tao na palaging magiging dahilan ng iyong pagngiti at pati na rin ng pagtibok ng iyong puso. Mapalad ka na matagpuan siya.

Masuwerteng numero; 40,45,56,57

ASO (DOG)

May tao na maiinggit sa mga achievements mo sa buhay. Kaya naman gagawa siya ng paraan para ikaw ay ibagsak. Maging alisto ka sa lahat ng oras at sa lahat ng taong nakapaligid sa’yo.Piliin lamang ang pagkakatiwalaan.

Masuwerteng numero; 24,25,35,40

BABOY (PIG)

Huwag ka ng umasa na mababayaran ka pa ng tao na nangutang sa’yo ng malaki. Alam mo naman kung anong record meron siya. Nagkamali ka sa pagpapahiram  sa kanya ng pera kaya aanihin mo ngayon ang bunga ng iyong pagkakamali.

Masuwerteng numero; 10,11,27,33

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.