24.8 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Pebrero 1, 2024

DAGA (RAT)

May pagsubok kang pagdaraanan sa araw na ito. Ang tao na siyang inaasahan mo na magiging karamay mo ay hindi mo mararamdaman sa araw na ito. Sa halip, kung sino pa ang hindi mo inaasahan ang siyang makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,6,9,12

BAKA (OX)

Magbubunga na rin sa wakas ang isang proyekto na pinaghirapan mo na akala mo ay wala ng pag-asa. Dahil dito ay mabubuhayan ka ng loob at muli kang magkakainteres sa dati mong pinagkakaabalahan gaya ng proyekto na ito.

Masuwerteng numero; 11,15,24,26

TIGRE (TIGER)

Kahit na anong gawin mong pagtatakip sa iyong kalungkutan ay mababakas at mababakas pa rin ito sa iyong mga mata. Gayundin sa iyong pagkilos. Mas makakabuti kung lalabas kasama ang mga kaibigan upang maglibang.

Masuwerteng numero; 40,44,47,52

KUNEHO (RABBIT)

Magiging masaya ang pakikipagbonding mo sa iyong pamilya kasama ang isang espesyal na kaibigan na siyang apple of the eye mo ngayon. Magkakaroon ka rin ng pagkakataon na kausapin siya ng medyo matagal.

Masuwerteng numero; 56,57,64,68

DRAGON (DRAGON)

Puno ng kilig ang araw na ito dahil makakasama mo at makakausap ang tao na lihim na nagpapatibok ng puso mo. Kaya naman ang buong maghapon ay magiging napakainteresante at memorableng araw para sa’yo.

Masuwerteng numero; 33,36,39,49

AHAS (SNAKE)

Ang problemang inaasahan mo na kakaharapin mo ngayong araw ay parang bulang maglalaho sa tulong ng isang malapit na kaanak. Siya ang magsisilbing daan para mabawasan ang bigat sa dibdib na dinadala mo.

Masuwerteng numero; 24,27,30,31

KABAYO (HORSE)

Ang mga tanong na naglalaro sa iyong isipan nitong mga huling araw ay hindi mo pa rin mahahanapan ng sagot hanggang sa araw na ito. Sa halip ay mas lalo pang madaragdagan ang mga katanungan sa isip mo.

Masuwerteng numero; 66,67,75,79

TUPA (SHEEP)

Pansamantala kang makakaranas ng kaluwagan sa budget dahil sa perang matatanggap mo mula sa isang malapit na kaibigan na finally ay magbabayad na rin ng kanyang pagkakautang sa’yo. Labis mo itong ikatutuwa.

Masuwerteng numero; 71,72,80,85

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ito ang araw na matatanggap mo ang hinihintay na suwerte subalit ito naman ang araw na tatanggapin mo ang isang hindi inaasahang biyaya at hindi ka magdadalawang isip na ibahagi ito sa iyong kapwa.

Masuwerteng numero; 13,15,20,26

TANDANG (ROOSTER)

May mapapansin kang pagbabago sa iyong mahal. Sa kanyang mga kilos at pananalita. Pero hindi ka muna magpapahalata. Sa halip ay lihim kang mag-iimbestiga at patuloy na oobserbahan ang kanyang mga kilos.

Masuwerteng numero; 35,36,42,45

ASO (DOG)

Labis kang maaapektuhan sa mga hindi magagandang kaganapan ngayon sa ibang bansa dahil meron kang mga mahal sa buhay na naroon. Ang pag-aalala mo sa kanila ang siyang hindi magpapatahimik sa’yo.

Masuwerteng numero; 13,19,22,28

BABOY (PIG)

Sa halip na bumitaw ay lalo mo pang hihigpitan ang kapit sa iyong pag-ibig. Wala kang balak bumitaw hangga’t nananatili rin siyang nakakapit sa inyong relasyon. Ipaglalaban mo siya ng buong puso hanggang sa huli.

Masuwerteng numero; 20,30,42,43

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.