29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Online Horoscope Pebrero 1, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Dahil sa marami ang lihim na bilib sa iyo, marami rin ang lihim na gumagaya sa life style mo. Sa araw na ito ay may isang manggagaya sa iyo, pero kahit na paanong gaya ang gawin nila, sorry na lang sila, hinding-hindi nila magagaya ang suwerte at magandang kapalarang hawak-hawak mo na ngayon. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 17, 26, 37, 42, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ngayong unang araw ng buwan, hindi makabubuti sa iyo ang mag-isip ng mga negatibong bagay. Kaya simulan mo na ngayong maging masaya. Habang nagsasaya ka, darating ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 16, 29, 31, 37, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ang iba ay nag-aalinlangan at nabibigo. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang nagaalinlangan ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalarang ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 4, 18,  25, 29, 42, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ipakita mo na may paninindigan ka. Hindi puwede na lagi ka na lang tangay-tangayin sa mga kagustuhan ng iba. Kapag tuluyan ng lumutang ang sarili mo kagustuhan at hindi na sunod ng sunod lang sa iba, makikita mo, mas lalong gagaang ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2, 17, 28, 34, 38, 44.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hawakan mong mabuti ang iyong sarili. Kapag nagalit ka, para na ring masasabing ang mundo ay magugunaw. Kontrolin mo ang sama ng iyong loob ng sa ganon ay maging payapa ang sitwasyon. Kapag payapa ang sitwasyon mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6,  19,  22, 25,  31, 43. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kaya hindi mo nakukuha ang malaking tagumpay dahil nauunahan ka ng pag-aalinlangan. Masdan mo ang langit, umuulap, pero hindi naman agad bumubuhos ang ulan. Alisin mo ang pangamba sa iyong puso. Kapag naging buo ang iyong loob, sisilid na ng kusa sa iyong pagkatao ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  6, 13, 26, 31, 38, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Nagtatagumpay ang iba dahil sa lakas at pagsisipag. Pero ang sa iyo ay kakaiba. Magtatagumpay ka sa pamamagitan ng ganda at pagsasalita. Kaya kapag may naisip ka at gusto mong ihayag, magpaganda ka pang lalo at gawin mo agad. Kapag ganyan ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay maaakit mo at hindi na ito hihiwalay sa iyo kalian man. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 11, 27, 29, 31, 40.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Malulubos ang iyong ligaya at magandang kapalaran ngayong buwan ng mga puso, kung patuloy ka pa ring mamimigay at sisimpatsa sa mga taong kapos-palad at kung lalo na kung mamimigay ka sa mga naging biktima ng nakaraang kalamidad sa pagputok ng Bulkang Taal. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 16, 25, 36, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi kailangan ang masyadong magastos ngayong nananalapit na ang Araw ng mga Puso,  Oo mag-shopping ka at mamili, pero wag naman masyadong mamahalin. Ang mahalaga ay maalala mo ang iyong mahal. Sapat ng maalala mo siya at pagkatapos ay mag-date kayo sa tahimik at malamig na lugar, sa lugar na iyon mas maraming suwerte at sarap ang inyong mararanasan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 12, 15, 33, 39, 42. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Tumataas ng husto ang iyong kumpiyasa sa sarili dahil sa mga nakamit mong suwerte at magandang kapalaran sa buhay. Pero ikaw ay binabalaan ng tadhana na ang sobrang tiwala sa sarili ay masama.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 14, 27, 39, 41, 45.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) May katigasan ang iyong ulo, kaya  dapat mo itong kontrolin at wag mo na itong paiiralin pa. Ito ang susi upang mabawasan ang mga problema mo sa buhay at tuluyan ka na ring lumigaya. Alam mo na ang susi, uulitin ko: “Wag kasing matigas ang iyong ulo!” Mapalad na ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 1, 7, 19, 29, 37, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Bukas ngayon ang mga binata at pintuan ng langit para sa iyo, Oo para sa iyo lang! Na nagsasabing, ito ang araw na pakikiinggan ang bawat dalangin at kahilingan. Magmadali ka, sabihin mo na ngayon ang iyong gusto at ito ay tiyak na makukuha mo.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 18, 24,  35,  39, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.