35.3 C
Manila
Tuesday, May 21, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 6, 2024

DAGA (RAT)

Ang pagkakahiwalay nyo na dati mong labis na pinapangambahan ang siyang magbibigay sa’yo ng pag-asa ngayon. Aasahan mo na kahit nasa malayo siya ay hindi ka niya pababayaan tulad ng pangako niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,16,34,37

BAKA (OX)

Hindi ka papayag sa magiging desisyon ng nakakatandang miyembro ng inyong pamilya. Marami kang makikitang butas at hindi tama sa gagawin niyang desisyon kaya hindi mo mapipigilan ang sarili mo na makialam.

Masuwerteng numero; 25,39,44,45

TIGRE (TIGER)

Maraming oras ang masasayang sa’yo sa araw na ito dahil sa pagiging abala mo sa social media. Yung sana ay matatapos mo ng gawain ay maipagpapabukas mo pa. Kaya naman hindi ka magiging produktibo ngayon.

Masuwerteng numero; 35,56,57,59

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo alam kung sino ang papaniwalaan mo sa dalawang tao na parehong malapit sa’yo. Kasalukuyang may hidwaan sa pagitan nila at magkaiba ang version na sasabihin nila sa’yo kaya maguguluhan ka.

Masuwerteng numero; 45.46,63,72

DRAGON (DRAGON)

Magiging mabigat ang dibdib mo sa araw na ito dahil may problema kang hindi mo masasabi sa iba. Hindi mo alam kung sino lang ang maaari mong pagkatiwalaan tungkol dito dahil natatakot kang mabunyag ito.

Masuwerteng numero; 10,11,13,20

AHAS (SNAKE)

Sa araw na ito ay matutuklasan mo kung sino sa iyong mga kamag-anak ang tunay na nagmamalasakit sa’yo. Hindi mo inaasahan ang iyong malalaman kaya naman babaguhin nito ang pagtingin mo sa kanya bilang kapamilya.

Masuwerteng numero; 26,27,37,38

KABAYO (HORSE)

Hindi mo mabibilog ang ulo ng iyong kabiyak. Sa araw na ito ay matatapos na ang pagpapanggap mo sa kanya kaya kailangan mo ng ihanda ang sarili mo. Malalagay ka sa sitwasyon na hindi mo na malulusutan.

Masuwerteng numero; 11,14,26,30

TUPA (SHEEP)

May matatanggap kang biyaya ngayon na bagamat ipagpapasalamat mo ay hindi mo pa rin maiiwasan na hindi malungkot dahil hindi ito ang ini-expect mo. Gayunpaman ay malaki na rin ang maitutulong nito sa’yo.

Masuwerteng numero; 45,55,60,67

UNGGOY (MONKEY)

Isang kaibigan ang mawawala sa buhay mo at labis mo itong ikakalungkot. Pero alam mo naman na wala kang magagawa kundi ang ipagdasal siya na maging maayos ang kanyang paglalakbay at makarating sa dapat paroonan.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo na magagawang itago ang lihim mo sa iyong mga magulang dahil magiging obvious na ito sa kanila. Kaya naman mawawalan ka ng pagpipilian kundi ipagtapat sa kanila ang iyong hindi magandang kalagayan.

Masuwerteng numero; 9,18,20,22

ASO (DOG)

Yung inaakala mong napakatigas na puso ng isa sa mga kasamahan mo sa trabaho ay mapapatunayan mo ngayon na pwede rin pala itong lumambot. Ikaw ang makakapag[alambot nito dahil sa kabutihang ipapakita mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 11,12,13,24

BABOY (PIG)

Hindi mo mapapalitan ang anumang masisira o mawawala ngayong araw. Subalit magagawa mo namang paglubagin ang loob ng taong magdaramdam dahil dito. May paraan ka para mapatawa siya at mapagaan ang loob niya.

Masuwerteng numero; 28,29,30,31

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.