30.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 24, 2024

DAGA (RAT)

Ang pagdadalawang isip mo sa iyong pag-alis ay bibitbitin mo hanggang sa lugar na iyong pupuntahan. Hindi ka matatahimik at hindi ka magkakaroon ng kapanatagan. Kaya naman hangga’t may pagkakataon ka pa ay ayusin mo muna ang damdamin mo para hindi ito magpabigat sa bagahe mo.

Masuwerteng numero; 15,25,30,42

BAKA (OX)

Kung sa tingin mo ay kulang pa ang mga effort na ginawa mo para sa iyong pamilya ay dagdagan mo pa. Para sa ating pamilya, hindi masama na ibuhos natin ang lahat ng ating makakaya basta’t ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Hindi dapat natin kuwestyunin ang ating kakayahan.

Masuwerteng numero; 12,21,29,56

TIGRE (TIGER)

May mga bagay na kailangan mong bitawan sa ngayon. Huwag mo itong panghinayangan dahil wala naman talagang permanente sa mundo. Hindi ka uusad kung hindi ka marunong mag let go. Marami ka pang bagay na dapat ayusin.

Masuwerteng numero; 10,23,31,33

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo dapat ikalungkot kung hindi ka man mapagbigyan ng kaibigan mo sa iyong kahilingan. Maaaring meron siyang dahilan. Hindi na mahalagang malaman mo pa ito. Mas mabuti kung inihahanda mo ang sarili mo sa maraming option at maging handa rin sa mga posibleng kalabasan nito.

Masuwerteng numero; 30,42,57,58

DRAGON (DRAGON)

Sa kabila ng pagsisikap mo na matapos ang proyektong iyong nasimulan ay hindi pa rin ito matatapos ngayong araw. May mga tao na aabala sa’yo pero hindi mo naman sila magagawang ipagtabuyan dahil malayo pa ang kanilang pinagmulan.

Masuwerteng numero; 6,12,13,50

AHAS (SNAKE)

Sa wakas ay mapapansin na rin ng boss mo ang mga extra effort mo sa trabaho. Maaamoy mo na ang promosyon na pinakahihintay mo. Ipagpatuloy mo lang ang magandang attitude mo sa trabaho at mabuting pakikisama sa lahat.

Masuwerteng numero; 16,25,66,70

KABAYO (HORSE)

Hindi ka mapapahiya sa paglapit mo sa isang kamag-anak. Ibibigay niya ang tulong na nais mo mula sa kanya. Huwag mo na lang intindihin ang mga maririnig mo mula sa iba nyo pang kamag-anak dahil hindi ito makakatulong sa problema mo.

Masuwerteng numero; 31,44,53,65

TUPA (SHEEP)

Magiging masigasig ka ngayon sa trabaho dahil sa bago mong inspirasyon. Siya ang maglalagay ng ngiti sa ‘yong mga labi at magpapakumpleto sa araw mo. Dahil sa saya na iyong mararamdaman kaya magiging magaan kahit pa ang mabigat na trabahong iaatang sa’yo.

Masuwerteng numero; 17,23,40,50

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ka ng matinding pangangailangan sa pera. Kahit pa may mga kaibigan ka namang malalapitan ay hindi mo ito gagawin, sa halip ay mag-iisip ka ng ibang paraan kung paano mo masosolusyunan ang iyong problema.

Masuwerteng numero; 5,12,22,34

TANDANG (ROOSTER)

Aasa ka sa pangako ng iyong mahal. Alam mo sa sarili mo na wala ka nang magagawa at hindi mo na siya mapipigilan sa plano niyang pagtatrabaho sa ibang bansa kaya naman kakapit ka na lang at aasa sa kanyang mga pangako.

Masuwerteng numero; 14,34,38,39

ASO (DOG)

May trabahong nakalaan para sa’yo. Ang trabahong ito ang siyang magpapagaan ng konti sa inyong buhay. Subalit hindi mo pa ito makukuha sa ngayon. Daraan ka pa sa ilang pagsubok kaya dagdagan mo pa ang iyong pasensya at tiyaga.

Masuwerteng numero; 57,69,70,71

BABOY (PIG)

Marami ka pang kakaining bigas mo bago mo mapantayan ang mga ginawa ng iyong ina para sa’yo o baka ni hindi ka man lang makaaabot sa kalahati ng mga pagsasakripisyong nagawa niya para sa inyong pamilya kaya huwag kang makipagmatigasan.

Masuwerteng numero; 18,29,34,36

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.