33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 8, 2024

DAGA (RAT)

May gagawin kang importanteng bagay na hindi mo matatapos dahil sa maraming abala. Hindi mo naman maiiwasan ang mga abala dahil bihira lang ang mga ganitong pangyayari sa iyong buhay. No choice ka kundi ipagpabukas ang mga gawain.

Masuwerteng numero; 25,28,30,34

BAKA (OX)

Kung kailan kailangan na kailangan mo ang kaibigan at tao na mahihingahan ng sama ng loob ay saka naman wala kang makokontak isa man sa kanila. Walang magpaparamdam kahit pa anong gawin mo ay mag-iisa ka sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 7,18,24,26

TIGRE (TIGER)

Hindi magiging maganda ang pag-uusap nyo ng isang kamag-anak tungkol sa isang pag-aari ng inyong pamilya. May mga katanungan at pagdududa kayo sa intensyon ng isa’t-isa at hindi nyo pa ito mareresolba.

Masuwerteng numero; 9,10,11,13

KUNEHO (RABBIT)

Kung meron kang dapat ipagpasalamat sa araw na ito, ito ay ang ikalawang buhay na ibibigay sa’yo ng Diyos. Hindi karaniwan ang mangyayari ngayon na magdudulot sa’yo ng labis na takot at pangamba para sa iyong buhay.

Masuwerteng numero; 7,17,30,33

DRAGON (DRAGON)

Isang malaking event ang magiging daan para muling magkrus ang landas nyo ng dating minahal. Magugulat ka dahil pagnakita mo siya ay kusang babalik ang lahat ng alaala at may spark kang mararamdaman.

Masuwerteng numero; 45,49,52,54

AHAS (SNAKE)

Hindi ito ang tamang araw para magreklamo sa mga gawaing iniatang sa’yo na alam mong hindi dapat. Sa ngayon ay wala kang magagawa kundi sumunod sa mas nakatataas sa’yo sa trabaho kahit pa alam mong may mali sa kanyang pagpapasya.

Masuwerteng numero; 50,57,65,68

KABAYO (HORSE)

Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na tanggapin ang isang malaking oportunidad sa ibang bansa dahil ito ay mangangahulugan ng paglayo mo sa iyong pamilya na siya mong prayoridad ngayon sa buhay. Kakailanganin mo pa itong pag-isipan ng mabuti.

Masuwerteng numero; 1,3,4,7

TUPA (SHEEP)

Isang bagay na matagal ng nawawala sa’yo ang mahahanap mo ngayon sa isang hindi inaasahang sulok ng  inyong bahay. Kahit pa matagal mo itong hindi nakita ay nandoon pa rin ang kasabikan na muli mo itong magamit.

Masuwerteng numero; 8,19,22,33

UNGGOY (MONKEY)

Sa inyong dalawa ng iyong mahal ay ikaw ang siyang mag-aadjust dahil ikaw ang mas nakakaunawa sa ngayon. Subalit pansamantala lang ito. Tuturuan mo siya sa mga bagay bagay na hindi pa niya lubos na naiintindihan.

Masuwerteng numero; 43,44,50,60

TANDANG (ROOSTER)

Magiging masaya ka ngayon dahil sa magaan na takbo ng iyong negosyo. Maluwag ang pasok ng pera sa araw na ito. Taglay mo ang suwerte na ilang buwan na ring hindi napapasa’yo kaya dapat kang magsaya ngayon.

Masuwerteng numero; 40,50,52,54

ASO (DOG)

Hindi ka makakalimutan ng isang tao na nagawan mo ng mabuti kamakailan lang. Kaya naman ngayong araw na ito ay magpapakita siya sa’yo at ibabalik ang pasasalamat na nararapat mong matanggap. Ikatutuwa mo ito.

Masuwerteng numero; 61,62,73,78

BABOY (PIG)

Dahil sa kaabalahan mo nitong mga nakalipas na araw sa ibang bagay ay kakailanganin mo namang magrush ng trabaho ngayon. Wala kang choice kundi tapusin ang mga gawaing ipapasa sa’yo sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 21,23,25,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.