27.3 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 7, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo maiintindihan ang nais ipahiwatig sa’yo ng isang kaibigan. Kaya naman hindi mo magagawa ang nais niya. Gusto mo munang maunawaan ang ibig niyang mangyari at kahihinatnan nito bago mo gawin.

Masuwerteng numero; 6,8,10,11

BAKA (OX)

Sa wakas ay makukuha mo na rin ang isang bagay na matagal mo nang gustong gustong magkaroon. Ito ay magmumula sa tao na hindi malapit sa’yo pero malapit ka sa kanyang puso. Huwag kalimutan ang magpasalamat.

Masuwerteng numero; 15,20,22,25

TIGRE (TIGER)

Isang magandang pagkakataon ang maibibigay sa’yo ngayong araw para sa isang malaking proyekto. Hindi mo ito mapapalampas kaya gagawin mo ang best mo para matuwa sa’yo ang mga nakatataas sa trabaho.

Masuwerteng numero; 7,18,19,30

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng pag-aalinlangan na bigyan ng lugar sa iyong puso ang tao na nagpapasaya sa’yo ngayon. Marami ka pa kasing hindi nalalaman sa kanya kaya mangangamba ka na magkamali sa gagawing pagpapasya.

Masuwerteng numero; 45,46,51,52

DRAGON (DRAGON)

Malaki ang magiging pagsisisi mo dahil tinanggihan mo noon ang isang malaking oportunidad na kumatok sa iyong pintuan. Ngayon ay makikita mo ang suwerteng hatid nito sa taong tumanggap nung talikuran mo ito.

Masuwerteng numero; 19,22,33,39

AHAS (SNAKE)

Kahit na anong pagpapaliwanag ang gawin mo sa isang miyembro ng pamilya ay hindi ka nito maiintindihan. Meron siyang tao na pinapaboran at pinoprotektahan kaya sarado ang isip niya pagdating sa inyo na kapamilya niya.

Masuwerteng numero; 35,43,50,58

KABAYO (HORSE)

Love is sweeter the second time around. Iyan ang paniniwalaan mo ngayon kaya magagawa mo pang tanggapin ang tao na nanakit sa’yo noon. Gusto mo na bigyan siya ng second chance para makabawi sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,12,23,26

TUPA (SHEEP)

Hindi lang ikaw ang taong problemado sa pera. Sa sampung tao ay walo ang problemado rito. Kaya naman sa halip na magmukmok ay bumangon ka at gumawa ng paraan upang magkaroon ng pera huwag lang manggaling sa masama.

Masuwerteng numero; 9,19,21,24

UNGGOY (MONKEY)

Marami na namang oras ang masasayang dahil sa iyong pagpapatumpik tumpik. Kailangan mo ng sanayin ang sarili mo na abala sa iyong trabaho dahil madaragdagan pa ang opportunity na kasalukuyan mong tinatamasa ngayon.

Masuwerteng numero; 8,18,30,33

TANDANG (ROOSTER)

Isang magandang araw ito para sa bonding nyo ng mahal sa buhay. Maaari siyang mag-aya sa malayong lugar subalit mas gugustuhin mo na sa malapit na lang dahil wala ka sa kondisyon na mapagod sa mahabang biyahe.

Masuwerteng numero; 40,48,59,60

ASO (DOG)

Ngayong araw ay mabubura sa isip mo ang negatibong pagtingin sa isang bagong kakilala. Makikita mo sa kanya ang mabuting ugali na bihira mong makita sa isang tao. Kaya naman mula ngayon ay magiging positibo na ang tingin mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 55,66,72,75

BABOY (PIG)

Hindi mawawalan ng saysay ang mga pinagpaguran mo nitong mga nakaraang buwan. Dahil sa wakas ay aanihin mo na rin ang biyaya na karapat dapat para sa’yo. Hindi man ito kasinglaki ng inaasahan mo, at least ay malaking tulong ito sa’yo.

Masuwerteng numero; 19,29,30,33

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.