28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 1, 2024

DAGA (RAT)

Ang bawat salita na iyong bibitawan sa araw na ito ay tatatak sa isip ng tao na kausap mo. Kaya’t hangga’t maaari ay iwasan na makapagbitaw ng hindi magagandang salita at mga salitang hindi kayang panindigan.

Masuwerteng numero; 15,20,23,30

BAKA (OX)

Kahit pa gaano kataas ang pride mo ay kakailanganin mo na itong ibaba sa ngayon dahil wala itong maitutulong sa iyong kasusuungang sitwasyon. Mas mabuti kung ang paiiralin ay ang pagiging mapagpakumbaba.

Masuwerteng numero; 7,9,13,32

TIGRE (TIGER)

Kahit na wala kang koneksyon sa isang tao na makakasalamuha mo ngayong araw ay maaapektuhan ka pa rin sa istorya ng kanyang buhay na maririnig mo mula sa isang kakilala. Dahil dito ay mapapaisip ka sa sarili mong buhay.

Masuwerteng numero; 19,35,40,46

KUNEHO (RABBIT)

Mahihirapan kang kumbinsihin ang iyong kamag-anak tungkol sa pagbebenta ng kanyang lupa. Hindi pa ito ang tamang panahon na bibitawan niya ito. Wala kang magagawa kundi hintayin kung kailan siya magdedesisyon.

Masuwerteng numero; 46,49,50,55

DRAGON (DRAGON)

Hindi ikaw ang tipo na tumatalikod at tumatakas sa problema. Kahit gaano pa ito kabigat ay hinaharap mo ito ng buong tapang at lakas. Pero hindi ka handa sa paparating na isa pang mabigat na pagsubok kaya kakailanganin mo ang tulong ng iba.

Masuwerteng numero; 8,18,22,33

AHAS (SNAKE)

Malakas ang pananalig mo na malapit ka ng suwertehin dahil isa-isa mo nang nareresolba ang iyong mga problema. Ipagpatuloy mo lang ang ganitong pananaw sa buhay at ibibigay sa’yo ng langit ang biyaya na hinihiling mo.

Masuwerteng numero; 7,20,30,31

KABAYO (HORSE)

Isang dating kaibigan ang makaka-krus mo ng landas ngayon sa isang pamilihan. May magandang balita siyang ihahatid sa’yo na hindi magpapatahimik sa’yo at magpapasabik sa buong maghapon hanggang sa magdamag.

Masuwerteng numero; 40,42,56,58

TUPA (SHEEP)

Ikaw ang magwawagi sa isang tahimik na laban sa araw na ito. Ang tao na may ayaw sa’yo ay muli mong makakaharap at sa pagkakataong ito ay wala siyang magagawa dahil hindi ka niya makakayang i-down sa iba.

Masuwerteng numero; 2,3,5,7

UNGGOY (MONKEY)

Wala ka sa mood ngayon. Feeling mo ay hindi ka talaga magiging produktibo kahit pa anong pagset ng isip at katawan ang gawin mo. Kaya ang buong oras mo sa maghapon ay magugugol lang sa pagpapahinga.

Masuwerteng numero; 16,20,29,39

TANDANG (ROOSTER)

Hahangaan mo ang mga online seller, kaya naman babalakin mo ngayong araw na subukan din ito. Mag-iisip ka ng produkto na maaari mong ibenta sa mercado ng internet. Ito ang iyong pagkakaabalahan sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 52,66,67,70

ASO (DOG)

Ito ang araw na susubukang mo ng maging independent. Halo-halong emosyon ang mararamdaman mo tulad ng takot, pangamba, pananabik at tuwa. Sa kabila nito ay walang makakapigil sa iyong mga plano para sa sarili.

Masuwerteng numero; 1,11,13,14

BABOY (PIG)

Ang tao na ilang araw mo nang iniiwasan ay makakasalubong mo ngayon. Kahit ayaw mo siyang makita ay wala kang magagawa at mapipilitan ka pa ring kausapin siya dahil sa bitbit niyang mahalagang impormasyon.

Masuwerteng numero; 4,15,26,27

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.