26.1 C
Manila
Monday, July 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 28, 2024

DAGA (RAT)

May taong maghahangad kung ano ang meron ka ngayon kaya maging maingat sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Huwag mong gawing open book ang buhay mo sa mga taong alam mo namang hindi malapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 24,26,27,31

BAKA (OX)

Sa ayaw mo at sa gusto ay hindi mo maiiwasan ang pagsubok na darating sa iyong buhay. Ang tanging magagawa mo lang ay kumalma at lawakan ang isip upang makapag-isip ng tama lalo na sa mahirap na sitwasyon.

Masuwerteng numero; 4,7,9,10

TIGRE (TIGER)

May magbabago sa pakikitungo sa iyo ng isang tao na dati ay ramdam na ramdam mo ang inis sa’yo. Sa araw na ito ay mararamdaman mo naman ang kanyang kabutihan dahil sa gagawin niyang effort para sa’yo.

Masuwerteng numero; 40,42,46,59

KUNEHO (RABBIT)

Magiging maganda ang araw mo sa piling ng iyong mahal.Ngayon siya babawi  sa’yo dahil alam naman niya ang mga naging pagkukulang niya nitong mga nakaraang araw. Kaya ang pagbawi niya ay labis mong ikatutuwa.

Masuwerteng numero; 15,16,20,22

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka magdadalawang isip na tulungan ang isang kababata na naghihirap ngayon dahil sa nangyaring pagputok ng bulkan. Anuman ang iyong makayanan ay buong puso mong ipahahatid sa kanya alang-alang na rin sa inyong pinagsamahan.

Masuwerteng numero; 35,38,40,55

AHAS (SNAKE)

Sa araw na ito ay mahihirapan kang kontrolin ang sarili mong galit dahil hindi mo na ma-take ang asal ng iyong kabiyak. Masasakit na salita ang mabibitawan mo sa kanya pero hindi mo iyon pagsisisihan dahil iyon talaga ang saloobin mo.

Masuwerteng numero;11,17,25,26

KABAYO (HORSE)

May kakailanganin kang tapusin ngayong araw na hindi mo pwedeng ipagpabukas. Kaya naman hindi ka magpapaistorbo kahit na kanino kahit pa sa bisitang biglaang darating ngayon araw. Hindi mo rin siya mahaharap.

Masuwerteng numero; 62,63,66,70

TUPA (SHEEP)

Masusubukan kung gaano katibay ang pagiging positibo mong tao ngayon. Isang hindi magandang senaryo ang kakaharapin mo. Maiipit ka sa pagdedesisyon sa pagitan ng dalawang tao na parehong mahalaga sa’yo.

Masuwerteng numero;51,58,65,69

UNGGOY (MONKEY)

Hindi magiging maganda ang kalagayan ng kalusugan mo ngayon. Makakaramdam ka ng bigat ng katawan at pananakit ng ulo. Mas makakabuti kung mananahimik muna sa bahay at magpapahinga ng sapat na oras.

Masuwerteng numero; 71,73,80,82

TANDANG (ROOSTER)

Huwag mong ipilit ang alam mong hindi pwede. Kung ipagpipilitan mo, ngayong araw mismo ay mararanasan mo ang pagkabigo. May magagawa ka pa para maiwasan ito. Magrelax at tanggapin ang para sa’yo.

Masuwerteng numero; 13,21,24,35

ASO (DOG)

Ikaw ang magiging sagot sa problema ng isang kaibigan. Hindi mo maaaring ipagkait sa kanya ang tulong na magagawa at maibibigay mo dahil minsan sa buhay mo ay nilapitan mo rin siya at hindi ka rin niya binigo.

Masuwerteng numero; 6,7,10,11

BABOY (PIG)

Masaya ang magiging araw mo sa trabaho dahil magaan ang gawain na maiaatang ngayon sa balikat mo. Kaya naman makakapagrelax ka ng husto at magkakaroon ka pa ng oras sa ibang bagay na isisingit mo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 32,33,37,41

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.