29.7 C
Manila
Friday, July 12, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 21, 2024

DAGA (RAT)

Magiging malakas ang pakiramdam mo ngayon tungkol sa duda mo sa iyong karelasyon. Ilang beses mo na siyang pinagbigyan, subalit sa pagkakataong ito ay pakikinggan mo naman ang sarili mong kutob para na rin sa ikakabuti mo.

Masuwerteng numero; 34,37,43,45

BAKA (OX)

Maganda ang itatakbo ng negosyo mo sa araw na ito. Sa mga palad mo dadapo ang suwerte. Sa loob ng  buong maghapon ay magiging smooth sailing ang bawat oras na lilipas sa negosyo. Magaan na magaan ang pasok ng pera.

Masuwerteng numero; 11,20,22,31

TIGRE (TIGER)

Ang pagiging mahiyain mo ang magiging dahilan para hindi mo makuha ang isang oportunidad na darating sa araw na ito. Dapat itong maging aral sa’yo. Kakailanganin mong bawas bawasan ang pagiging mahiyain.

Masuwerteng numero; 10,12,25,30

KUNEHO (RABBIT)

 Aakalain mo na malaki ang mapapala mo sa isang tao dahil sa tamis ng kanyang dila at husay ng mga pananalita. Pero aasa ka lang sa wala. Sadyang ganoon lang siyang tao pero wala siyang kakayahan panindigan ang mga sinasabi niya.

Masuwerteng numero; 4,7,8,9

DRAGON (DRAGON)

Isang magandang balita ang matatanggap mo mula sa isang kamag-anak na nasa malayo.Ito na ang balitang matagal mo nang hinihintay kaya naman labis mo itong ikakatuwa. Dahil dito ay sisipagin kang tapusin ang lahat ng iyong ginagawa.

Masuwerteng numero; 52,54,61,69

AHAS (SNAKE)

Huwag agad ibibigay ang tiwala sa isang tao na nakilala lamang online. Malapit ka ngayon sa kahit na anong uri ng kapahamakan kung kaya’t kinakailangan mong doblehin pa ang iyong pag-iingat kung ayaw mo na mapahamak.

Masuwerteng numero;23,32,40,50

KABAYO (HORSE)

May mga tao na likas na mapang-abuso at makakatagpo ka ngayon ng isa. Kahit na anong pag-iwas at pag-iingat ang gawin mo ay hindi ka makakaiwas sa pananamantala niya ngayon dahil may kailangan ka rin sa kanya.

Masuwerteng numero; 2,3,5,8

TUPA (SHEEP)

Huwag mo nang habulin at pilitin pa ang tao na ayaw na sa’yo. Lilikha lamang ito ng mas malaking komplikasyon sa buhay mo at ganoon din sa buhay niya. Mas makakabuti kung itutuon ang atensyon sa trabaho at sa iba pang bagay.

Masuwerteng numero; 30,31,33,37

UNGGOY (MONKEY)

Sa wakas ay darating na sa’yo ang ilang buwan mo nang hinihintay na suwerte. Sa araw na ito ay makukuha mo na ito nang walang kahirap hirap kaya ganoon na lang ang saya na iyong mararamdaman. Magagawa mo na rin ang mga plano mo.

Masuwerteng numero; 16,17,24,25

TANDANG (ROOSTER)

Magiging masaya ang lovelife mo sa araw na ito dahil makakasama mo ang iyong mahal sa hindi inaasahang pagkakataon at mapupuno ng saya ang araw nyo pareho. Hanggang sa gabi ay iisipin mo pa rin ito.

Masuwerteng numero; 11,12,19,20

ASO (DOG)

Kakailanganin mo ngayong pagtuunan ng seryosong pansin ang iyong kalusugan. Kung patuloy mo itong babalewalain, ang araw na ito ang magiging simula ng hindi maayos mong pakiramdam hanggang sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero;1,2,3,5

BABOY (PIG)

Magkakaroon ka ngayon ng pagkakataon na sabihin sa iyong karelasyon ang isang bagay na matagal mo nang gustong i-open sa kanya. Kung palalampasin mo ito ay matatagalan pa bago ka ulit magkaroon ng isa pang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 65,72,77,80

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.