26.9 C
Manila
Friday, February 23, 2024

Online Horoscope Enero 21, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Aangat na naman sa isa pang level ang iyong tagumpay. Ibig sabihin namumunga na ang lahat ng iyong mga pagsisikap. Kaunting tipid at kaunting sipag pa, malapit na malapit ng lumago sa todo niyang lakas ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  1, 17,  25, 34, 40, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ang ganda ay ay hindi kumukupas at ang ganda ay natural na sa iyo kaya naman bukod sa ikaw mismo ang maganda, lagi kang namimili ng mga bagay na magaganda. Pero ang hindi mo alam, dahil mahilig kang pumili ng maganda, habang buhay ng mananatiling maganda ng iyong kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 12, 27, 33, 42, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Naiinip ka at sobra ang iyong pagkainip. Nakita ng langit ang iyong kalagayan, kaya mabilis na ibibigay sa iyo ang katuparan ng iyong pinakagusto sa buhay. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 11, 19, 25, 35, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maraming natututunan ang tao sa kabiguan. Kaya hindi ka dapat matakot o malungkot na mabigo. Dahil sa mga natutunan mo darating ang saktong panahong, puro tagumpay at ligaya naman ang dadapo sa iyong pagkatao.  Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 5, 10, 28, 31, 43, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ngayon ang araw na pagtatangkaan mong dayain ang kapalaran, pero nakapagtatakang susuwertehin ka pa rin. At ang suwerte mo ay tuloy-tuloy hanggang sa maisip mong kahit papaano patuloy ka pa rin palang pinagpapala ng langit. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  8, 14, 18, 24, 34, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magara ang kapalaran mo ngayon maraming suwerte ang kusang mahuhulog sa langit. Kaya nga sa panaong ito, isang kembot lang, ang suwerte at magandang kapalaran ay  lalapit at magdaratingan na sa iyong harapan. Ang tanong marunong ka bang kumembot? Kembot na! Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 15, 19, 33, 42, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Isang batas ng kalikasan na hindi lang lakas ang nagbibigay ng tagumpay, kundi pati na rin ang isip. Pero ang sa ‘yo ay kakaiba, magpa-seksi at magpaganda ka lang, kahit hindi mo gamitin ang iyong isip at lakas, darating sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 4, 18, 25, 27, 34, 44.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kapag panahon ng tag-lamig, nagpapahinga ang mga hayop sa kagubatan. At kapag panahon ng tag-init at tag-sibol masaya silang naglalabasan. Lumabas ka ng bahay, dahil panahon ngayon ng suwerte at tag-sibol sa iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  4, 16, 23, 27, 34, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi ka bibiguin ng kapalaran. Kung ano ang pinakamalaking mong ambisyon, ipagkakaloob sa ‘yo. At kapag nakamit mo na ang malaking ambisyon na noon mo pa gustong-gustong makamit, tatawagin ang araw na ‘yaon bilang  “Araw ng Katuparan!” Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3,  9, 21, 23, 33, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa panahong ito ng iyong buhay hindi ka dapat mag-madali, sa halip, i-priority mo pa ring lagi ang iyong kalusugan. Ang totoo nito kahit hindi ka kumilos, o kahit magmadali ka man o hindi, ang suwerte at magandang kapalaran ay talaga namang darating sapagkat ito ay matagal ng inilaan na sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 9, 7, 24, 29, 36, 41.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kailangan mong maging malaya. Kaya nga ang payo, palayain mo ang iyong sarili sa kalungkutan at sa mga pangit na nakaraan. Magsaya ka! Kapag nagawa mo yan, magdaratingan na ang panibagong suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 13,  18, 28,  31, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang saya ay nakakaaakit ng suwerte at magandang kapalaran. Inuutusan ka ngayon ng langit na magsaya. Gawin mo na agad, upang suwertehin ka! Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  34,  37, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.