26.1 C
Manila
Monday, July 22, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 9, 2023

DAGA (RAT)

Saka pa lamang papasok ang suwerte kung pakakawalan mo ang isang lumang bagay na noon mo pa dapat pinakawalan. Ito ang umaakit ng kamalasan sa buhay nyo, dahil sa mga alaalang hatid nito na hindi mo inaalis sa isip mo.

Masuwerteng numero; 14,20,23,25

BAKA (OX)

Makakahanap ka ngayon ng bagong mapagkakakitaan pero maghinay hinay muna at pakiramdaman din ang laman ng bulsa. Mamuhunan lamang sa abot ng makakaya upang hindi mabaon sa utang sa halip na kumita.

Masuwerteng numero; 8,21,22,34

TIGRE (TIGER)

Iwasang magpadala sa init ng ulo. Ang pangyayaring hindi magugustuhan ngayong araw ay magdudulot ng stress sa’yo. Kung magpapatangay sa bugso ng damdamin ay lilikha lamang ito ng panibagong problema.

Masuwerteng numero; 46,48,49,57

KUNEHO (RABBIT)

Marami kang kautangan na dapat pagbayaran. Pero hindi mo kailangan na ma-stress ng sobra tungkol dito. Ngayong kumikita ka na kahit papa’no ay magagawa mo itong bayaran ng paunti-unti kung gugustuhin mo.

Masuwerteng numero; 10,20,32,35

DRAGON (DRAGON)

Magugustuhan mo ang pagbabagong magaganap sa inyong trabaho. Dahil sa wakas ang mga taong hindi mo gustong makasama ay malilipat na rin ng ibang departamento kaya magiging maalwan na para sa’yo ang pagtatrabaho.

Masuwerteng numero; 52,53,60,61

AHAS (SNAKE)

Kabibiliban mo ang diskarteng ituturo sa’yo ng isang kamag-anak na may kinalaman sa pagnenegosyo. Ngayon mo malalaman kung bakit patok ang kanyang negosyo at gugustuhin mo na tularan ang kanyang istilo.

Masuwerteng numero; 16,17,19,21

KABAYO (HORSE)

Hindi masasayang ang mga pinaghirapan mo sa iyong trabaho. Ngayon din ay mare-recognize ito ng iyong boss. Dahil dito ay madaragdagan ang kumpiyansa mo sa sarili kaya lalo ka pang sisipagin sa trabaho.

Masuwerteng numero; 5,15,30,39

TUPA (SHEEP)

Isang kaalitan ang kusang lalapit sa’yo ngayon at magpaparamdam na gusto na niyang makipagbati o makipag-ayos. Pero para sa’yo ay hindi pa ito ang tamang panahon kaya kahit na anong pagpapansin ang gawin niya ay deadma ka lang.

Masuwerteng numero; 6,7,9,19

UNGGOY (MONKEY)

Mawawalan na ng balakid sa matagal mo ng planong proyekto kaya naman masisiyahan ka. Sa wakas ay maisasagawa mo na rin kung ano talaga ang nais mo. Mailalabas mo ng husto ang pagiging creative mo rito.

Masuwerteng numero; 40,50,58,67

TANDANG (ROOSTER)

Araw ito ng pagbabayad ng utang na loob sa isang kaibigan. Kahit hindi man niya sabihin ay alam mo na kailangan niya ng tulong kaya hindi mo na hihintayin na lumapit pa siya sa’yo, kusa ka ng lalapit sa kanya para tumulong.

Masuwerteng numero; 11,22,45,50

ASO (DOG)

May hatid na saya ang umaga para sa’yo at sa iyong pamilya. Magkakasama kayong lahat mula pa lang sa agahan hanggang sa matapos ang araw. May mapag-uusapan kayong mahalaga tungkol sa inyong kinabukasan.

Masuwerteng numero; 1,2,4,6

BABOY (PIG)

Hindi ka mapapahiya sa mga taong irerekomenda mo para sa isang proyekto na hindi mo na kayang tanggapin sa dami ng iyong commitments. Kaya naman magpapasalamat sila sa’yo sa kabutihan ng loob mo sa kanila.

Masuwerteng numero; 54,67,68,79

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.