27.4 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 22 2023

DAGA (RAT)

Manggagalaiti ka sa isang kakilala na sobra ang pagkagahaman sa pera. Alam na alam mo ang motibo niya sa panggigipit na ginagawa niya sa’yo at nasa sitwasyon ka na wala kang magawa. Payapain mo ang iyong kalooban at mag-isip ng mabuti. Siguradong may iba pang paraan para makalabas ka sa sitwasyon na ‘yan.

Masuwerteng numero; 2,3,5,6

BAKA (OX)

Mukhang nag-eenjoy ka sa panlalamang sa kapwa. Huwag mo sanang makasanayan ito. Ito ang maglalagay sa’yo sa tiyak na kapahamakan na hindi man ngayong araw ay sigurado naman sa hinaharap kung hindi mo ito titigilan. Mabait kang tao, naiimpluwensyahan ka lang.

Masuwerteng numero; 6,7,14,19

TIGRE (TIGER)

Walang masamang tinapay na ipinakita sa’yo ang iyong mahal kaya huwag mo siyang pagbintangan ng bagay na alam mong hindi niya magagawa. Kung hindi mo maalis sa puso mo ang pagdududa ay kailangan mong mangalap ng ebidensya.

Masuwerteng numero; 1,12,13,20

KUNEHO (RABBIT)

Magiging maganda ang mood mo ngayong araw dahil sa mga papuring matatanggap mo mula sa mga nakakataas sa’yo. Kaya naman kahit ano pang pagkakamali mula sa departamentong kinabibilangan mo ay hindi mo na lang papansinin dahil ayaw mong masira ang maganda mong mood.

Masuwerteng numero; 3,5,7,9

DRAGON (DRAGON)

Smooth sailing lang ang takbo ng iyong negosyo. Pero huwag kang magpakampante. May susulpot na makakakumpetensya mo kaya kakailanganin mong mag-isip ng bagong style para hindi maagaw sa’yo ang mga customers mo.

Masuwerteng numero; 9,10,13,15

AHAS (SNAKE)

Aminado kang hindi ka ganoon kagaling para maging angat sa mga kasabayan mo ngayon. Pero hindi ka dapat mawalan ng kumpiyansa sa sarili. May talento kang wala sa kanila kung bibigyan mo lamang ito ng atensyon.

Masuwerteng numero; 1,2,6,9

KABAYO (HORSE)

Maging maingat ka sa mga salitang bibitawan mo ngayon dahil nakatuon ang atensyon ng marami sa’yo. Bago ka lang sa grupo kaya binabantayan ka nilang mabuti. Lalo pa at may mga nabalitaan silang hindi maganda tungkol sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,9,14,16

TUPA (SHEEP)

Isang pagkakamali mo lang ay mapapansin na ng iba pero hindi siya. Marami ka ng nagawang pagkakamali sa kanya at lagi ka niyang pinapatawad. Ang taong tulad niya ay hindi mo dapat pakawalan.

Masuwerteng numero; 6,7,13,18

UNGGOY (MONKEY)

Mainam ang iniisip mong pagpapasya. Slowly but surely. Hindi mo kailangang magmadali kung ayaw mo na mabutasan ka ng boss mo. Buo ang tiwala niya sa’yo kaya gawin mo ang best mo. Piliin mo lang din ang mga taong isasali mo sa plano.

Masuwerteng numero; 1,3,4,7

TANDANG (ROOSTER)

Masaya ang araw na’to para sa’yo. Kaya sige lang gawin mo ang gusto mo. Sa kabila ng mga pinagdaanan mo ay deserve mo ang magsaya. Mas makakabuti kung isasama mo ang iyong pamilya kaysa mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 4,5,9,10

ASO (DOG)

Masyadong malaki ang tiwalang ibinibigay mo sa iyong kaibigan. Hindi porket matagal mo na siyang kakilala at kaibigan ay hindi na siya magbabago. Iba na ang sitwasyon nyo ngayon lalo pa at matagal kayong hindi nagkita kaya mag-ingat.

Masuwerteng numero; 1,2,3,8

BABOY (PIG)

Sobra kang magmahal kaya wala kang ibang pinapakinggan kundi siya. Ngayon naman ay bigyan mo ng pagkakataon ang isang kapamilya na ipaliwanag ang kanyang side. Paminsan-minsan ay kailangan mo rin paniwalaan ang iba.

Masuwerteng numero; 3,4,12,18

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.