26.7 C
Manila
Wednesday, September 11, 2024

Sunog Na Larawan, Paano Nagagamit Na Panggayuma?

Hindi lahat ay nakakatagpo ng forever. Sa iba’t-ibang kadahilanan ay marami ang nabibigo sa pag-ibig. Hindi naman ito kataka-taka dahil lahat naman ng tao ay nakakaranas nito, iba’t-ibang level nga lang ng kabiguan. May mga tinatanggap na lang ang kanilang kapalaran pero meron din namang hindi makapagmove on kahit pa dekada na ang lumipas. Dahil dito ay marami pa rin ang umaasa sa bisa ng gayuma. Sa ganitong paraan ay naniniwala sila na ang kanilang kabiguan ay magtatapos sa tagumpay o kasiyahan na makuha ang pag-ibig na hindi itinadhana sa kanila. Kahit na ano pa ang maging resulta ay susubok at susubok sila. Maging ito man ay mangahulugan ng sarili nilang kapahamakan. Kung gayuma ang pag-uusapan ay napakarami na nating nalaman tungkol dito. Iba’t-ibang sangkap at iba’t-ibang pamamaraan. Isa sa mga gayumang natuklasan ko mula sa matatanda ay ang paggamit ng sinunog na larawan.

Pero paano nga ba ginagamit ang isang sunog na larawan bilang panggayuma? Hindi pwede na kahit anong larawan lang. Kung meron kang nais gayumahin, dapat ay solong picture niya mismo ang iyong gagamitin. Isang malinaw niyang picture. Kailangan mo itong sunugin at habang ginagawa mo ito ay paulit-ulit mong bigkasin ang mga katagang nais mong kanyang maramdaman. Tulad ng “Mahalin mo ako’. Hindi mahalaga kung ilang beses mo ito mabigkas, basta ang importante ay walang patid ang pagsasabi mo nito hangga’t hindi nagiging abo ang larawan. Sa oras na ito ay maging abo na, ilagay mo ito sa isang safe na lalagyan tulad ng bote na may takip o maliit na box na meron ding takip. Kailangan mo itong itabi sa lugar na walang makakagalaw. Hindi ito dapat mabuksan lalong lalo na ng ibang tao. Ang bisa nito ay eepekto makalipas lang ang isa hanggang dalawang linggo mula nang ito ay iyong gawin. Subalit sa oras na ito ay mabuksan agad na mawawala ang bisa nito.

Huwag lang kakalimutan na anumang gayuma ang iyong isagawa ay palagi itong may kaakibat na kapahamakan. Kaya kung nais mo ng tunay na kaligayahan na may kapanatagan, kailangan na magmula rin ito sa tunay na puso at hindi lang dahil sa gayumang iyong pinaniniwalaan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.