28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 2, 2023

DAGA (RAT)

Marami ka pang kailangang tapusin ngayong araw na hindi mo na maaaring ipagpabukas pa. Kaya naman pakikiusapan mo ang mga kasama mo sa bahay na hangga’t maaari ay huwag ka munang iistorbohin.

Masuwerteng numero; 3,5,7,9

BAKA (OX)

May suwerteng ihahatid ang araw na ito para sa’yo. Bagamat hindi ito kasing laki ng biyayang inaasahan mo ay maituturing mo pa rin itong magandang biyaya. Malakas ang karisma mo ngayon na makaakit ng iba pang suwerte.

Masuwerteng numero; 16,20,22,30

TIGRE (TIGER)

Pagbibigyan ka ng langit sa kagustuhan mo ngayong araw. Mangyayari ang pinakaaasam-asam mo. Subalit alam mo ang kaakibat nitong responsibilidad. Kailangan mo itong bantayan at pakatutukan upang hindi magkamali.

Masuwerteng numero; 58,59,60,61

KUNEHO (RABBIT)

May suwerte ka ngayon sa numero kaya malaki ang posibilidad na ikaw ay tumama kung tataya sa mga may kinalaman sa numero. Mag-ingat lang sa mga manloloko dahil nakapaligid lang sila sa’yo at naghihintay ng pagkakataon.

Masuwerteng numero; 13,20,23,24

DRAGON (DRAGON)

Dahil sawa ka na sa isyung kinasasangkutan ng isa sa mga malalapit mong kamag-anak ay magbibingi-bingihan ka na lang sa anumang maririnig mo ngayon tungkol sa kanya kaugnay ng isyung nakakabit sa kanyang pangalan.

Masuwerteng numero; 36,39,40,44

AHAS (SNAKE)

Malaki ang posibilidad na makaranas ka ngayon ng pananakit ng tiyan dahil sa hindi ayos na pagkaing maipapasok mo sa iyong katawan. Kailangan mong maging maingat at maselan sa pagkain dahil alam mong sensitibo ang iyong kalusugan.

Masuwerteng numero; 57,60,68,69

KABAYO (HORSE)

Pansamantala kang mapapahinga sa stress sa araw na ito. Kaya naman sasamantalahin mo na ang pagkakataon na magagawa mo ang lahat ng mga bagay na hindi mo nagagawa noong mga nakaraang araw na puno ka ng stress.

Masuwerteng numero; 7,17,20,22

TUPA (SHEEP)

Mabibigo kang matapos sa araw na ito ang isang malaking proyekto na binigyan mo na ng timeline. Ito ay dahil sa susulpot na mga hindi inaasahang gawain na kakailanganin mo ring pag-ukulan ng iyong atensyon.

Masuwerteng numero; 45,48,50,56

UNGGOY (MONKEY)

Magiging masaya at komportable ang araw na ito para sa’yo. Kahit papa’no ay mararamdaman mo ang kakuntentuhan sa buhay sa kabila ng mga hindi pa nawawalang problema. Magiging magaan ang lahat ngayon para sa’yo.

Masuwerteng numero; 14,16,28,29

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo matatanggap ang senaryong mangyayari sa’yo ngayong araw dahil para sa’yo ay hindi mo ito deserve. Marami ka ng naging effort at hindi ka rin naman nagkulang sa pagtitiyaga at pagsisikap para lang mapabuti ang iyong buhay.

Masuwerteng numero; 11,12,13,24

ASO (DOG)

Alam mo na sa ngayon ay wala pang kakayahan ang iyong kaibigan na mabayaran ang perang inutang niya sa’yo kaya bibigyan mo siya ng ibang option na makakatulong sa kanya para magkapera at makabayad sa’yo.

Masuwerteng numero; 26,34,37,49

BABOY (PIG)

Sa dami ng kakilala mo na maaaring makatulong sa’yo ay wala isa man sa kanila ngayon ang iyong makokontak at malalapitan dahil lahat sila ay may kanya-kanya ngayon na pinagkakaabalahan at problemang nilulutas.

Masuwerteng numero; 60,63,65,78

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.