31.4 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Online Horoscope Setyembre 2, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Simple lang ang susi kung paano mo makukuha ang mga gusto mo at ito ay ang kumilos at magsalita ka nang masaya. Gawin mo na ito ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-23-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Nagdaratingan ang ilang dagdag-suwerte na kaloob sa iyo ng langit dahil sa kabutihang loob na ipinakita mo sa iyong kapwa kahit ‘di mo naman sila lubos na kakilala. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-22-25-26-30-41.

GEMINI (May 21-June 20) – Huwag kang magpapatalo sa araw na ito, lalo na sa mga negatibong pananaw na naglalabas-pasok sa isipan mo. Mula ‘yan sa masamang puwersa na gustong sirain ang buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-11-17-28-39-42.

CANCER (June 21-July 22) – Makinig ka sa mungkahi ng nagmamalasakit sa iyo. Kahit ang sasabihin niya ay labag sa kalooban mo. Siya ang mas nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-23-36-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) – Magbigay ka at ikaw ay bibigyan ng langit. Mas malalaki at magugustuhan mo ang mga biyaya mula sa itaas. Pasayahin mo ang malalapit sa iyo nang sila ay makabahagi rin sa mga biyayang natatanggap mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-16-21-26-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Hindi na mahalaga ang mga opinyon ng ibang tao, ang mahalaga ay magawa mo ang gusto mo kahit marami pa ang kumontra. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-22-24-27-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Makakadama ka ngayon ng kakaibang init na dadapo sa pisngi mo. Walang ibang kahulugan ito kundi ikaw ay susuwertehin sa mga araw na darating. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-25-27-29-30-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Maging masinop, sanayin mo ang iyong sarili sa pagsisinop nang sa gayun ay hindi masayang ang mga biyaya na nakatakdang pumasok sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-27-29-36-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Huwag kang mabahala sa mga taong walang ginawa kundi kontrahin ka. Kikilos ang langit at sa huli ay mauunawaan nila ang mali sa kanilang pagkontra. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-25-26-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Ito ang araw na nakita ng langit ang iyong mga paghihirap at pagsasakripisyo para sa iyong mga minamahal. Dahil dito, napakalaking suwerte ang mahuhulog sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-20-27-31-32-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Oo, pamali-mali ka ng pagpapasya. Ngunit sa halip na magalit ang langit, pagkakalooban ka pa nito ng magandang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-23-25-28-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Kung sino ang masayahin sa mga kaibigan mo, sa kanya ka dumikit. Bukod sa sasaya ka, maniwala ka man o hindi, bigla kang susuwertehin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-15-25-27-34.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.