27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 19 2023

DAGA (RAT)

May suwerteng hatid ang araw na ito para sa’yo. Kaya’t gumising ng umaga at siguraduhin na magiging positibo ka at ang iyong paligid nang sa gayon ay walang makahadlang sa paparating na suwerte sa iyong direksyon.

Masuwerteng numero; 15,20,23,25

BAKA (OX)

Pag-iisipan mong baguhin ang ayos ng inyong bahay. Ito ay bunsod ng sunud sunod na kamalasang inyong naranasan kaya kung anu-ano ang maiisip mong gawin upang maitaboy ang malas at maanyayahan naman ang suwerte.

Masuwerteng numero; 4,6,45,48

TIGRE (TIGER)

Magiging mailap pa rin sa ngayon ang trabahong inaasam. Kaya wala kang magagawa kundi pagtiyagaan muna kung anuman ang iyong pinagkakakitaan sa ngayon. Hihintayin mo na lang ang tamang panahon para sa tamang trabaho.

Masuwerteng numero; 56,57,60,61

KUNEHO (RABBIT)

Gaganahan ka ngayon na pagbutihin at paunlarin ang iyong negosyo dahil sa magagandang feedback na maririnig mo. Kaya naman mag-iisip ka pa ng iba’t-ibang paraan kung paano pa ito higit na mapapansin sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 1,3,4,11

DRAGON (DRAGON)

Isang biglaang pangyayari ang magaganap ngayon na magiging dahilan para pag-isipan ninyong lumipat ng bahay. Mas mahalaga sa’yo ang kapakanan at kaligtasan ng iyong pamilya kaysa sa tirahang inyong napundar.

Masuwerteng numero; 14,15,20,25

AHAS (SNAKE)

May bagong recipe kang matututunan mula sa social media. Excited kang gawin ito para sa iyong pamilya. Hindi mo babalakin na gawin itong negosyo dahil ang intensyon mo ay maihain ito para lamang sa iyong mga mahal sa buhay.

Masuwerteng numero; 34,38,39,40

KABAYO (HORSE)

Magdadalawang isip ka kung dapat mo bang sundin o hindi ang payo ng isang kaibigan na may kinalaman sa iyong kalagayang pinansiyal. Alam mo kung gaano kahirap ngayon para sa’yo ang kumita ng pera.

Masuwerteng numero; 30,40,46,57

TUPA (SHEEP)

Mahihirapan kang pasang-ayunin sa kagustuhan mo ang isang miyembro ng pamilya tungkol sa lupang pinaghahatian ninyong magkakapatid. Kakailanganin mo pa ng sobrang effort at panunuyo bago mo siya mapapayag.

Masuwerteng numero; 61,62,77,79

UNGGOY (MONKEY)

Sa muling pagkakataon ay mararating mo ang lugar na puno ng iyong mga alaala kasama ang mga taong bahagi ng iyong nakaraan. Kaya naman hindi mo maiiwasan na hindi maging emosyonal sa buong maghapong ito.

Masuwerteng numero; 6,7,9,10

TANDANG (ROOSTER)

Ang malinis mong intensyon sa inyong grupo ay mababahiran ng pagdududa ng iba dahil sa pagiging malapit mo sa isang nakatataas. Dahil dito ay mag-iisip ka ng paraan kung paano maiiwasan ang ganitong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 13,14,20,25

ASO (DOG)

Magiging tensyonado ka sa araw na ito dahil sa mamumuong hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo ng isang kamag-anak na malapit din sa’yo. Malilito ka at maninimbang sa dalawang tao at sa iyong kalagayan.

Masuwerteng numero; 18,19,38,47

BABOY (PIG)

Mapapaisip ka sa salitang bibitawan ng iyong boss tungkol sa iyong performance. Hindi mo alam kung makakabuti ba ito o hindi sa iyong posisyon sa trabaho. Malalaman  mo ang ibig sabihin nito sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 44,47,50,60

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.