NAKARANAS ka na ba na kung minsan ay hirap kang matulog? Iyon bang paikot-ikot ka sa higaan at hindi mapakali sa disoras ng gabi? Kung minsan ay nangyayari ito sa atin kahit pa sabihing pagod at kinakailangan na talagang magpahinga ng ating isipan at katawan. Pero alam n’yo ba na may mga pagkain pala na makatutulong upang maging mahimbing ang ating pagtulog? Subukan at alamin kung gaano ito ka-epektibo oras na kainin ninyo.
Miso Soup
Madalas na umo-order ka ng masarap na broth-based soup sa mga Japanese restaurants, pero ang pagkakaroon ng ilang 8-ounce packs ng instant miso soup sa bahay ay malaking tulong kapag nahihirapan kang matulog. Narito ang dahilan: ang miso ay nagtataglay ng amino acids na nagpapalakas sa produksyon ng melatonin, isang natural hormone na makatutulong sa paghihikayat ng paghihikab.
Saging
Kumain ng banana bago matulog. Ang saging ay mapagkukunan ng magnesium at potassium, na nakapagpapahinga sa mga pagod na muscles. May taglay din itong trytophan, na kapag nai-convert na serotonin at melatonin, ay mahusay na magpakalma ng utak bilang mild sedative. Subukan ang masarap at simpleng pagkain bago matulog: Paghaluin ang isang saging sa isang tasang gatas o soy milk (lagyan ng yelo kung nais), at saka inumin.
Dairy
Ang yogurt, gatas at keso ay nagtataglay ng tryptophan na taglay ang kagulat-gulat na sleep-inducing nutrient. Ang calcium ay epektibo sa pagpapababa ng pagod at pagpapatibay ng nerve fibers, maging iyong mga nasa utak. Ibig sabihin nito na ang paghahanda ng iyong paboritong Green yogurt bago matulog ay hindi lamang makatutulong sa iyong pagtulog, subalit makatutulong din itong makalimutan mo ang mga anumang sinabi ng iyong boss na ayaw mong marinig sa trabaho.
Hard-Cooked Egg
Kung nagkakaproblema ka sa pagpapanatili ng iyong tulog sa gabi, maaaring ito ay dahil sa hindi ka kumain ng iyong pre-bedtime snack na mataas sa protina, o kaya naman ang iyong snack ay sobrang taas ang sugar carbohydrates, tulad ng cake at candy. “Ang problema sa mga simpleng carb ay maaari kang ilagay nito sa isang ‘sugar roller coaster’ at pababain ang iyong blodd sugar habang ikaw ay natutulog, na dahilan ng iyong paggising sa alas dos o alas tres ng madaling araw,” sabi ni Dr. Teitelbaum. May pusta siya, “Sa halip ay kumain ng itlog, keso, mani o ibang snack na mayaman sa protina.” Siguradong hindi ka lang daw makatutulog, bagkus ay mananatiling mahimbing tulog.
Cereal
Hindi dapat makaramdam ng kasalanan kung kakain ng isang maliit na mangkok ng cereal bago matulog, lalo pa at ito ay low-sugar, whole-grain cereal. Hindi lamang sa ito ay malusog na snack (siguraduhing haluan ito ng gatas upang maibigay ang protina na kailangan ng katawan), makatutulong din ito sa iyong pagtulog. “ Ang mga complex carbohydrate-rich foods ay nagpaparami ng trytophan sa bloodstream, na nakadaragdag sa sleep-inducing effect,” sabi ni Dr. Dalton-Smith.
Tea
Yes, ang pag-iwas sa caffeine sa gabi ay napakahalaga, pero may ibang klase ng decaf na makatutulong upang makondisyon ang katawan ang isip sa pagtulog, sabi ni Dr. Teitelbaum. “Ang Chamomile tea ay malaki ang maitutulong at ligtas na inumin,” sabi niya, ang pagdadagdag ng green tea ay isa pang maaaring gawin.” Ang green tea ay nagtataglay ng teanine na nanghihikayat ng pagtulog. Siguraduhin lang na ang iniinom ay decaf green tea lalo na sa gabi.”