28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 15 2023

DAGA (RAT)

Maging maingat sa mga salitang binibitawan lalo na sa mga tao na hindi mo pa gaanong kilala. Hindi mo mamamalayan na nakakasakit ka na at hindi mo ito mababawi agad-agad. Lawakan pa ang pag-iisip at pang-unawa.

Masuwerteng numero; 10,12,23,40

BAKA (OX)

Ikaiirita mo ang hindi pagsang-ayon sa’yo ng tao na siya mo pa namang pinagkakatiwalaan sa maraming bagay. Umaasa ka na hindi ka mahihirapan na kumbinsihin siya pero kabaligtaran ito ng mangyayari kaya sasama ang loob mo.

Masuwerteng numero; 15,16,20,30

TIGRE (TIGER)

Wala kang mapapala sa patuloy mong pagdikit sa isang kasamahan sa trabaho na malapit sa nakatataas. Ang totoo ay mas magiging angat ka sa kanya pagdating ng tamang oras kaya hindi mo kailangan na magsipsip.

Masuwerteng numero; 15,18,33,35

KUNEHO (RABBIT)

Huwag mong i-under estimate ang iyong sarili. Marami kang kakayahan na wala ang iba. At higit sa lahat ay may espesyal kang talento na dati ng hinahangaan sa’yo ng marami kaya dapat mo na lang itong iimprove.

Masuwerteng numero; 7,8,9,19

DRAGON (DRAGON)

Kakailanganin mo ngayon ng sipag at tiyaga nang sa gayon ay matapos mo ng maaga at magawa mo ng maayos ang isang proyektong ipinagkatiwala sa’yo. Dapat lamang na pagbuhusan mo ito ng oras at panahon.

Masuwerteng numero; 11,20,30,39

AHAS (SNAKE)

Ikakalungkot mo ang balitang makakarating sa’yo ngayon. Ito ay may kinalaman sa isang dating katrabaho na nakatakda ng lisanin ang mundo. Minsan siyang naging malapit sa’yo kaya hindi mo maiiwasan na hindi malungkot.

Masuwerteng numero; 14,20,22,30

KABAYO (HORSE)

May kabagalan ang usad ng suwerte para sa’yo kaya maiisip mong kumonsulta sa mga feng shui. Dahil iniisip mo na baka makatulong sa’yo kung babaguhin mo ang mga ayos at pwesto ng mga gamit sa inyong tahanan.

Masuwerteng numero; 56,67,68,69

TUPA (SHEEP)

Malaki ang mapapala mo sa bagong pinagkakakitaan kung dadagdagan mo ang pagtitiyaga lalo na ang kasipagan mo para rito. Huwag pansinin ang mga negatibong tao na magsasabing nagsasayang ka lang ng oras dito.

Masuwerteng numero; 10,20,21,30

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo alam kung ikatutuwa mo o ikakalungkot ang pagdating ng malaking pera na hinihintay mo. Ito ay dahil sa dami ng naghihintay na bayarin. Gayundin ang iba pang tao na umaasa sa’yo at naghihintay na mabiyayaan mo rin.

Masuwerteng numero; 60,63,65,70

TANDANG (ROOSTER)

Isang pangyayaring hindi mo inaasahan ang makakapagpabago sa desisyon mo na magtrabaho sa malayo. Dahil sa pagbabagong ito ng desisyon mo ay maaapektuhan hindi lang ang iyong pamilya kundi ang trabahong naghihintay.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

ASO (DOG)

Magkakaroon ka ng pagdadawalang isip sa oportunidad na darating kung ito ay tatanggapin mo o hindi. Hindi mo kasi gusto at hindi mo gamay ang gawaing ito subalit nanghihinayang ka naman sa malaking kikitain mo.

Masuwerteng numero; 59,62,74,80

BABOY (PIG)

Kahit anong pagpipigil mo sa sarili ay lalabas at lalabas pa rin ang attitude mo dahil sa sobrang inis na mararamdaman mo sa isang tao. Para sa’yo ay sobra na ang kanyang ginagawa at dapat na siyang turuan ng leksyon.

Masuwerteng numero; 20,25,30,36

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.