28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 1, 2023

DAGA (RAT)

Ang dating kinaiinisan mo ay katutuwaan mo na ngayon dahil sa kakaiba niyang talento na matutuklasan mo. Kaaaliwan mo ang ipapamalas niya kaya naman magiging interesado ka pa sa kanyang mga ipapakita.

Masuwerteng numero; 15,18,20,21

BAKA (OX)

Malabo pang matupad sa ngayon ang pagnanais mo na makabisita sa mga malalapit na kamag-anak na nasa malayong lugar. Bukod sa may kahigpitan pa rin sa inyong lugar ay may mga problema ka pang kailangang ayusin.

Msuwerteng numero; 7,8,9,13

TIGRE (TIGER)

Hindi mawawalan ng saysay ang mga paghihirap at pagsisikap mo para sa iyong nakababatang kapatid dahil makikita mo ngayon ang magandang resulta nito. Marunong siyang magpahalaga sa iyong mga ginawa para sa kanya.

Masuwerteng numero; 10,20,33,35

KUNEHO (RABBIT)

Mabibitin ka sa isang gawain ngayong araw na gustong gusto mo. Gayunpaman, hindi ka naman mabobored sa mga natitirang oras para sa araw na ito dahil meron ka pa ring pagkakaabalahan bago matapos ang maghapon.

Masuwerteng numero; 58,59,60,67

DRAGON (DRAGON)

Makakaramdam ka ng hindi maganda sa iyong katawan kaya magkukusa ka ng umiwas sa mga pagkaing alam mong hindi mabuti para sa iyong kalusugan. Babalakin mo na simulan ang pagbabagong ito sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 11,13,20,24

AHAS (SNAKE)

Isang kaibigan mula sa malayong lugar ang mangangailangan ng iyong tulong. Sa kabila ng distansyang namamagitan sa inyo ay susubukan mo pa rin na maipaabot ang iyong tulong para sa kanya na minsan ding naging malapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 40,42,45,50

KABAYO (HORSE)

Mag-iinit ang iyong ulo sa isang kapitbahay pero susubukan mo pa ring kontrolin ang iyong sarili. Bagamat makakapagbitiw ka ng hindi magandang salita laban sa kanya ay sisikapin mo na hanggang doon na lang iyon.

Masuwerteng numero; 10,20,30,40

TUPA (SHEEP)

Aanihin mo ngayon ang magandang bunga ng mga pagsisikap mo na mapagtagumpayan ang isang proyekto. Handa kang maibahagi ito sa iba nang sa gayon ay mas marami ang makinabang at hindi lang ikaw.

Masuwerteng numero; 6,8,16,27

UNGGOY (MONKEY)

Isa na namang bagong oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan pero sisiguruhin mo muna na isa nga itong oportunidad dahil ilang beses ka na ring nabogus. Nagsasawa ka na rin at pinanghihinaan ng loob pagdating sa bagay na ito.

Masuwerteng numero; 3,6,9,12

TANDANG (ROOSTER)

Hindi man masyadong maganda ang araw na ito ay ipagpapasalamat mo pa rin sa Diyos ang isa na namang araw na tahimik at payapa kahit walang biyaya na pumasok sa inyong tahanan. Kalmado ang araw na ito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 51,65,78,79

ASO (DOG)

Blessing in disguise ang mangyayari sa problemang kinaharap mo, dahil ang resulta nito ang siyang maghahatid naman sa’yo sa suwerteng pinakahihintay mo. Maiintindihan mo ito sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 54,56,61,62

BABOY (PIG)

Malayo-layo rin ang ibibiyahe mo sa ngayon. Pero hindi ka makakaramdam ng pagod dahil maganda ang mood mo at positibo ang iyong iniisip. Kaya naman sa kabila ng layo na tatahakin mo ay mae-enjoy mo lang ito.

Masuwerteng numero; 7,17,34,38

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.