27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Setyembre 1, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Manindigan ka! Hindi puwedeng kahit alam mong hindi tama ay kukunsintihin mo pa. Ang salita mo ay magsisilbing panggising sa mga nabubuhay sa pagkakamali. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-20-27-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Huwag mong kalimutan ang mga aral na nagpaunlad sa iyo. Ipagpatuloy mo ang pagiging masinop at pigilan mo ang iyong sarili na matangay ng walang kuwentang mga aktibidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-25-29-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) – Nakakahanap ng paraan ang kumikilos, ngunit ang mga ayaw kumilos ay walang pag-asa dahil tanggap na nito ang kasalukuyan. Ito ang paalala ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-25-28-31-32.

CANCER (June 21-July 22) – Kung ano ang nararamdaman mo, ‘yun ang iyong ipakita. Ang nagtatago ng damdamin ay nagdadamot sa sarili. Ito ang paalala ng kapalaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-29-32-39-40-41.

LEO (July 23-Aug. 22) – Magkakaiba ang bawat tao, kaya huwag mong hanapin ang iyong sarili sa kapwa mo. Tanggapin mo na ang bawat isa ay may kani-kanyang sariling personalidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-20-21-28-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Hayaan mo siyang nakakontra. Ngayon lang naman ito dahil sa bandang huli ay makikita ng lahat na ikaw ang tama. Ito ang paalala ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-27-34-35-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Hindi mo dapat iasa sa iba ang pagganda ng iyong kapalaran. Paghandaan mo ito sa pamamagitan ng pagpaplano. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-16-24-26-33-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Bakit ka nagpapaimpluwensya sa iba? Kailangan mong lumaya at ang una mong gawin ay huwag sumunod sa kahit na sino kahit pa maganda ang kanilang hangarin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-20-23-25-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Lahat ng problema ay may solusyon. Kumuha ka ng opinyon sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-27-28-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Isuot mo ang lumang damit na naging paborito mo kahit sa loob lang ng inyong bahay. Ito ang magsisilbing pampabuwenas mo ngayon. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-22-27-38-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Lumakad at magsalita ka na parang walang anumang problema. Gawin mo ito upang maakit mo ang mga suwerte sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-17-20-25-26-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Muling kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte. Maghintay ka at huwag mainip. Nakahanda na ang lahat, malaki at magandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-15-17-27-30.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.