28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 25, 2023

DAGA (RAT)

Hindi mo maiiwasang makita ang isang tao na hindi mo gustong makita. Kahit na anong gawin mong pag-iwas ay makikita at makikita mo siya sa iyong harapan. Kaya sa halip na makipagmatigasan ay harapin mo na lang siya at tapusin ang isyu sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 8,9,12,17

BAKA (OX)

Makakaramdam ka ng emptiness. Yung feeling mo ay nasa loob ka ng isang kahon at walang kasama sa mundo. Hindi naman ito depression. Pansamantala lang ito at wala kang basehan kundi ang kawalan ng kasama ngayong araw.

Masuwerteng numero; 1,3,11,15

TIGRE (TIGER)

Masuwerte ang araw na ito para sa’yo. Hindi dahil sa magkakaroon ka ng mga blessings kundi dahil sa walang masamang elemento ang nakapaligid sa’yo. Malaya mong magagawa ang mga gusto mong gawin nang walang pinangingilagan.

Masuwerteng numero; 4,6,9,10

KUNEHO (RABBIT)

Mapapabilis ang pagpapasya mo sa isang mahalagang bagay na ang gusto mo ay mapag-isipan mo munang mabuti. Nangangailangan na kasi ito ng agarang pagpapasya at sayo lamang sila umaasa kaya no choice ka.

Masuwerteng numero; 1,11,13,19

DRAGON (DRAGON)

Hindi matatawaran ang mga pabor na ibibigay mo sa iyong kaibigan. Pero huwag kang umasa na masusuklian niya ito sa lalong madaling panahon. Wala siyang kakayahan na magbalik ng pabor sa ngayon kaya matatagalan pa bago mo makuha ang ine-expect mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,8,14,16

AHAS (SNAKE)

Magkakamali ka ng akala sa iyong mahal. Hindi ka ganoon kaimportante sa kanya tulad ng iniisip mo. Alam mo sa sarili mo na ang mga ka-sweetan niya ay dala lamang ng pagtatampo mo at pagpwersa mo sa kanya. Mapapatunayan mo ‘yan ngayon.

Masuwerteng numero. 1,11,13,20

KABAYO (HORSE)

Huwag mo siyang laging kinukulit kung ayaw mo siyang lumayo sa’yo. Masyado siyang abala sa trabaho para kulitin mo sa mga bagay na walang halaga sa kanya. Mas makakabuti kung bibigyan mo muna siya ng kahit konting espasyo.

Masuwerteng numero; 9,10,15,16

TUPA (SHEEP)

Maiilang ka sa isang bagong kakilala. May pagkakahawig kasi sila ng ex mo sa maraming bagay kaya maaalala mo ito sa kanya. Kaya naman tingin pa lang niya ay apektado ka na. Senyales ito na hindi ka pa nakaka move on sa ex mo.

Masuwerteng numero; 3,5,7,10

UNGGOY (MONKEY)

Mawawala ang hinanakit mo sa isang kamag-anak dahil sa effort na gagawin niya para muling mapalapit sa’yo. Sapat na ang magkabati kayo sa ngayon. To follow na lang ang pagbawi sa mga araw na nasayang sa pagitan ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 5,6,8,12

TANDANG (ROOSTER)

Maeengganyo kang subukan ang isang online business. Kailangan mo lang munang siguraduhin ang iyong papasukin dahil wala kang suwerte sa negosyo lalo na kung naimpluwensyahan ka lang at hindi mo naman talaga ito gusto.

Masuwerteng numero; 6,9,16,17

ASO (DOG)

May darating na bagong magpapatibok sa puso mo. Mag-ingat dahil hindi pa siya ang taong para sa’yo. Matamis ang kanyang dila kaya mapapaniwala ka niya. Huwag hayaang mahulog ang sarili sa isang patibong.

Masuwerteng numero; 1,11,19,20

BABOY (PIG)

Kukulangin ang oras mo para  gawin ang lahat ng trabaho. Hindi mo naman ito kailangan tapusin ngayon. Unahin mo na lang ang importante. Hindi magiging maganda ang resulta ng iyong trabaho kung mamadaliin mo ito.

Masuwerteng numero; 4,5,14,18

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.