27.9 C
Manila
Thursday, December 7, 2023

Chinese Horoscope Oktubre 22, 2023

DAGA (RAT)

Haharapin mo ngayon ang isang sitwasyon na akala mo ay sa teleserye lang nangyayari. Huwag mabahala dahil hindi mo ito ikapapahamak. Kailangan mo lang ng lakas ng loob at buong tiwala sa iyong sarili.

Masuwerteng numero; 6,8,11,13

BAKA (OX)

Kakailanganin mong maghintay kung gusto mo talagang makuha ang isang bagay. Ngayon na ang simula para habaan mo ang iyong pasensya at dagdagan pa ang pagtitiyaga. Hindi ka dapat magpagambala sa mga walang kuwentang bagay sa paligid mo.

Masuwerteng numero; 1,2,4,5

TIGRE (TIGER)

May magagawa ka pa para ayusin ang nasirang plano. Ang dapat mo lang gawin ay magpokus at ibigay ang iyong best. May mag-aalok ng tulong para sa’yong plano. Magpasalamat, pero hindi mo ito dapat ikonsidera dahil makakasira lang ito sa diskarte mo.

Masuwerteng numero; 7,8,12,16

KUNEHO (RABBIT)

Mararamdaman mo ngayon ang pagmamahal ng asawa mo na akala mo ay matagal ng nawala. Hindi mo ito inaasahan pero sa tagal ng inyong pagkakalayo ay nasa isip ka pa rin niya at iniisip niya ang pakikipagbalikan sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,9,13,14

DRAGON (DRAGON)

Ikalulungkot ng kaibigan mo ang mga bibitawan mong salita sa kanya. Kahit hindi ka seryoso sa iyong mga sinabi ay seryoso niya itong tatanggapin. Alam mo na nasaktan mo siya kaya hindi masama kung ikaw ang magpapakumbaba.

Masuwerteng numero; 2,3,18,20

AHAS (SNAKE)

May lalapit sa’yo para magpapansin. Mapapansin mo naman pero hindi mo ito bibigyan ng halaga. Sa dami ng inaasikaso mong trabaho ay wala kang time para sa mga bagay na hindi ganoon kaimportante sa’yo sa ngayon tulad ng iyong lovelife.

Masuwerteng numero; 4,6,7,10

KABAYO (HORSE)

Mamamangha ka sa masasaksihang mong natatagong talento ng iyong kaibigan. Sa tinagal-tagal ng inyong pagkakaibigan ay hindi mo inaasahan na may magaling siyang kakayahan sa isang bagay. Kailangan mo siyang i-push para maipakita ito sa marami.

Masuwerteng numero; 1,3,5,11

TUPA (SHEEP)

Magiging matamlay ang araw na ito para sa’yo. Mas pipiliin mo ang manatili sa loob ng bahay kaysa lumabas kasama ang ilang piling kaibigan. Marami ka namang pwedeng gawin sa bahay tulad ng panonood ng t.v. at pagbabasa ng libro.

Masuwerteng numero; 2,11,13,17

UNGGOY (MONKEY)

Sa simula lang ng araw magiging maalat ang negosyo pero bago matapos ang maghapon ay magiging masigla na ito. Huwag sisimangot at panatilihin lang ang ngiti sa labi kahit anupaman ang kalabasan ng naisip na negosyo.

Masuwerteng numero; 8,12,14,15

TANDANG (ROOSTER)

May isang tao na matagal nang nawala sa buhay mo ang muling magbabalik. Malilito ka at magiging palaisipan sa’yo ang kanyang pagbabalik. Kalma ka lang at huwag magpapahalata na may excitement kang nararamdaman.

Masuwerteng  numero; 7,9,18,20

ASO (DOG)

May hihingi ng tulong sa’yo. May magagawa ka naman subalit magdadalawang isip ka na tulungan siya dahil sariwang sariwa pa sa isip mo nang tanggihan ka niya matapos mo rin siyang lapitan noon para hingan ng tulong. Huwag gawin ang ginawa niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,10,12,16

BABOY (PIG)

Mawawalan ka ng tiwala sa isang malapit na kamag-anak dahil sa gagawin niyang panlilinlang sa’yo. Sinasadya man niya iyon o hindi ay tatatak ito sa isip mo. Sa dami ng magagandang pinagsamahan nyo ay ngayon lang siya nakagawa ng pagkakamali kaya deserve niya ang ikalawang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 2,6,17,19

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles